h1

pagkat hindi ko hiningi ang lahat ng ito

August 6, 2009

hindi ko hiningi ang lahat ng ito…
kaya’t huwag mong ilahad ang anuman sa aking paanan;

huwag sabihing di ako malilimutan
at palagiang mananatili sa isipan,

huwag ibulong na ihahabi mo ang aking ngalan
sa mga hibla ng iyong puso’t isipan,

huwag tipahin sa piyano ang awit ng pagsinta
habang ako’y katabi’t ikaw ay pinakikinggan,

huwag ubusin ang ‘yong maghapong yakap ako
habang dumaraan sa labas ang tag-ulan,

huwag haplusin ang aking pisngi
habang ako’y natutulog sa’yong kandungan,

huwag hawiin ang buhok na humarang saking mata
sa kagustuhang mukha ko’y buo mong masilayan,

huwag akong bigyan ng mga ngiti sa labi
o alayan ng matatamis na kasiyahan…

huwag mangako ng walang-humpay na tag-araw
at mga gabing binalot ng maliwanag na buwan,

huwag mong pintahan ng ‘yong pag-ibig
ang aking pintuan at mga durungawan…

pagkat hindi ko hiningi ang lahat ng ito,
kaya’t huwag mong ilahad ang anuman sa aking paanan
…hinayaan sanang ako ang mag-alay ng lahat ng mga iyan
para sa iyo,

kapalit ng mga oras na kapiling ka.

at para sa ‘yong pag-ibig na di na maibabalik.

*salvaged from 2005-2006 drafts

Advertisements

9 comments

  1. ano to, a case of art imitating life or is it the other way around? napa-isip lang naman ako…LOL

    lola


  2. maganda pero parang bitin…


  3. Sumakit ang aking ulo dahil sa mga katagang binitiwan mo…

    Pero mag-pagupit ka na kasi kaya napupunta buhok mo sa mukha eh, magpakalbo ka kaya… lolz


  4. melts my heart naman..ay hindi pala for me ito LOL


  5. parang na-sad naman ako sa tula mo. may naalala tuloy ako bigla after basahin ito.


  6. awww…

    at galing pa toh sa 2005-2006 a!

    hayayay ka


  7. LOLO! updateeeeeee


  8. mabuting simulan


  9. kmst sainyo lht.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: