Archive for April, 2009

h1

tribute to the lashingheroes

April 6, 2009

Ang bilis ng taon.

Ang daming mga nangyari mula ng magkasama-sama kaming apat (kasama sina chroneicon, gasoline dude, greenpinoy)  sa isang inuman sa Roxas Blvd. noong nakaraang taon. Sa harapan ng San Mig Light (oo, wala na silang Red Horse nang dumating kami), ilang stick ng barbeque, palitan ng kuwento tungkol sa photoshoot sa Intramuros, bagong kamera ni Gasul, mga kalokohan noong kabataan, palitan ng mga korni dyoks, kuwentong trabaho, kantahan sa may Malvar, ang required na “bakit ka nag-blog?”, etc. ay nabuo ang isang barkadahang sino naman ang mag-aakalang lalalim hanggang tuluyang lumawig pa.

Wala akong balak magblog ngayon, anupat marami sa mga sinusulat ko ay sinarili ko na lamang at hindi ninais ilathala sa pansariling kadahilanan. Ngunit hindi ko palalagpasin ang isang pag-alala sa unang araw ng pagsasama-sama naming apat – sa mga nakakakilala sa amin, alam ninyo ang sumunod na mga kuwento. At tunay na nagpapasalamat ako’t nahanap ko ang nawawalang kapares ng medyas ko noong gabing iyon – dahil kung hindi ay malamang na hindi ako sumipot sa anyaya ni GP.

Ano nga bang meron ang lashingheroes na tuluyang lumaki bilang greenpinoy family?

WALA. Wala ka nang hahanapin pa. Sa nakalipas na taong pagsasama-sama ay naririyan siyempre ang mga tawanan, pranks at kalokohan. Nasaksihan ang mga kuwentong sasakupin ang lahat ng channels ng ligal na cable subscription – ang ups and downs na pinagsaluhan natin ika nga.

Para sa tatlo kong kasama sa lashingheroes at sa buong greenpinoy family : ‘sang tagay para sa mas mahaba pang panahon ng pagkakaibigan at pagtahi ng mga kuwentong dadalhin natin hanggang sa pagtanda.

lashingheroeswannabes

teka, mali yata ang picture na na-upload ko…

lashingheroes

At oo, namimiss ka na namin gasul…

sipampoyto

…at parang mali na naman ako ng na-upload. eto pala:

gasul

cheers!