h1

dahil may mga bagay na ‘di kayang sukatin…

March 5, 2009

may mga ngiting sumisilip
sa pagitan ng mga letra
at tugmang
sininop, inipon
sa lugar na ito
na kung tawagi’y blogosperyo.

nagpapasalamat
sa mga nangahas dumaan, bumasa
at mag-iwan ng marka
sa likod ng mga akda’t
napudpod na daliri.

sangtaong nagdaan.

mabibilang ang mga araw
ngunit hindi ang mga pagkakaibigang
nakilala’t minahal.

tulad nila. tulad mo.

at bagamat kulang ang katagang ito,

salamat.

 

OCADSFKNAOC’DGNLSAEGOHNDS…

*****

Kahapon, March 4, pa ang anibersaryo nitong aking blog na nagsimula noon sa blogspot na naging datkom nitong nakaraang Setyembre lamang. Ngunit dahil sa hindi umayon ang aking WP dashboard ay ngayon ko lamang ito nailathala. Muli, maraming salamat sa mga tumangkilik, lalo na sa mga kaibigang nakilala ko mula dito.

At di gaya ng mga naunang tula, ITO ANG TULANG KAYO ANG SUMULAT.

xoxo

Advertisements

8 comments

  1. happy anniv!!
    mabuhay ka!!! heheheh


  2. Hoy igawa niyo ko ng picture greeting malapit na berdei ko! = P

    Miss ko na kayo. Kitakits. = D


  3. hapiberdey!


  4. oh it’s been a year na pala!! thanks for all the award winning masterpieces shared!


  5. happy blogsary sa’yo!ipagpatuloy lang ang ikot ng mundo..magaling kang makata.

    thanks for your comment too.:)


  6. happy blogsary!! ngayon lang ulit nakabalik sa city para sa internet. tama sila magaling ka nga magsulat.


  7. hapi bday sa blog mo koya sher sher. wan yir ka na rin astig!!!

    maraming salamat sa mga adbays na binigay mo tungkol sa pagsusulat. kahit sinasabi mong idol mo ako eh hindi ako naniniwala duon dahil mas magaling kang magsulat sa akin. TAKOT KO LANG SAYO hahaha.

    maraming salamat BOSSING!!! sa mga susunod uling taon na pagsasamahan dito sa blogosperyo at biglang tunay na kaibigan!!! KAMPAY!!!


  8. HAPPY ANNIV!!!!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: