h1

return to apo reef

February 23, 2009

lethalverses_aporeef1

It’s been two years since I first visited Apo Reef with the spongklongs and former chevron officemates.

At dahil bitin ako, nag-organize ako ng isa pang trip sa nasabing lugar. Kasama ang mga bloggers na sina axel, ayz, greenpinoy, kuletz; mga kabarkadang sina mark, bob, mike, arson at mga kaopisinang sina atea, ioni at butch; bumalik ako sa sanktwaryo at paraisong Apo Reef Island na matatagpuan sa Occidental Mindoro.

Kahit inabot kami ng mahigit sampung oras sa biyahe (2.5 hours from Makati to Batangas Pier, 3 hours sa barko from Batangas Pier to Abra de Ilog Pier, Mindoro, 3 hours from Abra de Ilog to Sablayan town via van at 2.5 hours from Sablayan town to Apo Reef Island via private boat) sobrang sulit ang pagod dahil sa kagandahan ng isla.

Hindi gaya ng pangkaraniwang mga bitches err beaches, ito ay isang untouched island na walang hotel at walang ibang tourists maliban sa grupo namin. Kagaya ng nakaraang trip ko sa Anawangin Island, camping style lang ulit kami ala Survivor. Siyempre pa, nag-enjoy ang lahat sa dolphins, pawikan, sharks, manta rays, at iba-iba pang mga marine fishes habang nagi-snorkel.

Maraming salamat sa mga tumulong sa akin upang maging successful ang trip na ito – kay Honorable Rod sa paghahanap ng mga dabest contact persons para sa amin, kay Chairman Medel ng Tourism Board sa walang kapagurang pagsuporta sa aking mga trips sa nasabing lugar, kay boss tsip Leslie na nagtiyaga sa paghintay at pagsalubong sa aming grupo at siyempre, lalung-lalo na sa mga tour guide namin na sina Bossing Rick at Madam Rhea – ang pinakadabest na tour guides sa balat ng Mindoro.

On our way to Abra de Ilog from Batangas Pier via Montenegro Ferry with Bob and Butch (oo, siyempre sisingit pa din si Kuletz):lethalverses_aporeef2

stop over ng madaling araw sa isang palengke sa mindoro para kumain ng goto at magpapiktyur ulit…lethalverses_aporeef15

finally arrived!!! and I’m marking the territory hehe…lethalverses_aporeef4

preparing the tent… just beside the beach and under the shades of coconut and talisay trees…lethalverses_aporeef7

isa lang ang paraan if conflict happens sa tent territories (no fishes were harmed on the making of this picture)… lethalverses_aporeef14

the clear, blue water and fine white beach viewed from top of the lighthouse…lethalverses_aporeef3

view of the inner lagoon and mangrove forest from the lighthouse pa rin (DISCLAIMER : this is not an emo shot hehe)lethalverses_aporeef9
 
 

 

lethalverses_aporeef10

tambay sa relaxing, scenic lagoon with kuletz and axel…lethalverses_aporeef5

lethalverses_aporeef12

siyempre, hindi mawawala ang inuman, kuwentuhan at kantahan (hindi naman bigay na bigay si arson hahaha)…lethalverses_aporeef8

to the mangrove forest!!!lethalverses_aporeef11

at kahit hirap na hirap si GP pasukin ang loob ng mangroves…lethalverses_aporeef12

game pa rin para lamang sa pictorials gaya nito:lethalverses_aporeef13

Muli, salamat sa mga kasama kong nagtulong-tulong upang maging masaya ang 3 days – two nights camping experience na ito…

…isang espesyal na pasasalamat sa kasamahan ko sa mountaineering na si Chino na naging malaking bahagi sa aking pagpaplano ng lakad na ito. Umuwi ka na dito sa ‘pinas pre at marami pang mga bundok na naghihintay sa ating apat nina Bobi at Noker.

more pictures of our trip here –> http://aposnorkelingsociety.multiply.com/

HANGGANG SA UULITIN!!!

Advertisements

13 comments

  1. *inggit mode*

    sana next time makasama ako sa mga lakarang ganito


  2. wahahaha. NAKAKAINGGIT… 😦


  3. sus ginoo…nanigas na ang daliri ko sa kappitik…481 photos and more…pulos dede ang nagbibigay sa kin ng nightmares


  4. ay.. kainggit naman… ang ganda ganda ng lugar!!!


  5. ay wow. apo reef!

    sherwin, lumipat ka na pala! wala lang hahaha. hindi ko na kayo nakita mula nung jokefest last year.


  6. Shet ang ganda ng dagat!!!


  7. i don’t know how many times i’m going to say this, pero sooper inggit ako! yan kse nakapangasawa ako ng strikto. haay.


  8. Astig!!!


  9. Grabe super enjoy ako dito… Ahahaha, nangiingit lang… Ang ganda talaga ng place na to at very upclose ka sa kalikasan talaga…


  10. ang ganda nung beach!great adventure.


  11. That looks really nice…….. Summer na nga.


  12. sempre, happy belated blogversary sa iyo, LV. mas madami ka pa sanang magagandang obra na i-post dito. fans mo talaga ako! fans! (wag kang magulo talagang plural yan dahil parang kapatid ko lang si GP sa laki ng wangkata).

    very nice shots. kala ko may underwater scenes din bakit wala? diba isngorkeling experience to dapat? (hindi naman ako masyadong demanding)

    natawa ako sa marking my territory. sobrang feel na feel ang sweet release. at saka dun sa “disclaimer: this is not an emo shot”- at talagang may disclaimer pa. wahahaha

    muli, happy blogversay. MABUHAY KA!!!


  13. nice.. ganda dito ah.. dami ba pumupunta dito pre?



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: