h1

rekyem

February 12, 2009

huwag mong suungin
ang eskinitang
ilang kahapon na
ang dumaan.

huwag awitin
ang mga kantang
sininta,
ngunit nilusaw
sa limot.

huwag ihatid ang sarili
sa pag-alala
sa nakaraang
nagumon sa kandungan
ng pagtanggi.

aanhin mo ang mangarap,
kung maging ang panaginip
ay tapos na?

 aanhin mo ang malumbay,
sa pagkakamaling
maging sepulturero’y
di kayang ilibing?

 

oo, babangon ka.
ngunit hanggang kailan
malalabanan
ang tawag
ng kandungan ng muling pagtulog?

Advertisements

6 comments

  1. naku naman!!! buwan nang HEARTS bakit malungkot?
    😀 Smile na…ayan oh….maganda ang mga taong nakapaligid sayo..

    Ma_ligayang PUSO!!! 😀


  2. i felt so haunted while i was reading this entry. haunted by my past? lols. honga. ang lungkot ng entry bosing. parang nareflect dito yung emotion ng author. ahehe. happy valentine’s day pareng sherwin! mabuhay kaming mga single. lols.


  3. Wala tayong takas sa mga pagsubok na dumatating sa ating buhay. Pero pwede natin tong tapusin o ipagpatuloy.

    Babalik at babalik tayo sa mahimbing na pagtulog at sa muling paggising, panibagong unos ang kakalabanin.


  4. gumising ka man sa himbing ng pagkakatulog, hahatakin ka pa rin nang higaan
    lalo na kung may panaginip ka na nais ituloy…
    pwede mong balikan ang eskinita, nasa sayo kung magtatagal ka o dadaan lang
    para balikan ang mga alaala at awitin ang kantang sininta…

    accept and then move on.. <<< sino nga bang nagsabi nito??ahihihi


  5. ang lalim naman.. kapag puso talaga ng nag dikta eto mga resulta. dumadami ang poetic sa mundo. 🙂


  6. ang bigat naman.. :((



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: