h1

10 RANDOM STORIES ABOUT ME (tagged)

February 2, 2009

Dahil sa ni-tag ako ni idol badoodles at sakto namang wala sa mga naisulat ko ang ninais kong ilathala, naririto ang random 10 stories na nangyari sakin. At bilang pagpapatuloy sa magandang ideya ni badoodles, SIYAM lamang sa sampung kuwentong naririto ang totoong nangyari sa akin, habang ISA ang kuwentong kutsero lamang.

1. Noong nag-audit ako sa isang kilalang siyudad sa kabisayaan na itatago ko sa pangalang CEBU CITY, krass na krass ko ang isang front desk sa hotel na tinirhan ng team ko noon. At dahil inabot ako ng halos isang buwan doon sa hotel, namumukhaan na rin ako ng krass ko kahit paano. Laking tuwa ko ng makasabay ko sa elevator ang krass kong ito isang araw, at kakausapin ko na sana siya nang bigla akong mautot – ng mabaho. Damn camote fries. Ngumiti na lamang ako at tumingin sa maganda niyang mukha na dahan-dahang nagiging green at ngumiti.

2. NPT. Noong umuuwi pa ako araw-araw sa Baliuag, Bulacan, kadalasang mahimbing ang nagiging pagtulog ko sa bus na inaabot din ng dalawang oras kada biyahe. Isang umaga, ginising ako ng konduktor dahil malapit na ako sa bababaan ko sa Buendia – ngunit naramdaman kong naka flag ceremony na naman pala ang aking dayunyor – at totoo namang obvious na nakabukol ito sa aking harapan dahil naka long sleeve polo pa ako noon na nakatuck naman sa sedang pantalon ko. LESSON LEARNED : Shame-saving kahit paano ang necktie na suot – konting adjust lamang pahaba at kahit paano’y nagiging diversion na ito upang hindi maging kapuna-puna ang nakabukol na dayunyor.

3. Naka jebs na ako sa LAHAT ng south-bound lane inidoro CRs ng MRT mula North Avenue hanggang Ayala station. At nakalibreng jebs na din ako sa Edsa Shangri-La hotel – at sa lote ng parking space sa may likod ng Park Square (dahil out of order daw ang pinakamalapit na CR hehehe)

 4. Naging local campus model ako ng Penshoppe sa Bulacan noong high school pa ako. At oo, doon ko nakasama ang naging gelpren ko na naging ex din kinalaunan – at ito din ang dahilan kung bakit karamihan ng mga damit ko ay Penshoppe – dahil di kailangang maging magastos para pumorma. For anything else, there’s Mastercard. 

 5. Kagaya din ni idol badoods, hindi ako marunong manligaw. Ang alam ko ding panliligaw ay iyong pakyut, at magigising na lang na mag”on” na kayo ng chikababes – dahil ang pag-ibig ay hindi kinakailangang maghintay. OO, hindi ito kuwento at maaaring isiping isang facts gaya ng nauna ko nang lathala dito; ngunit may kadahilanan ang pagsama ko ng katotohanang yan.

6. Inatake sa puso ang isa kong professor sa kolehiyo noong 1st year pa lamang ako dahil sa aking kakulitan. At ang masama pa doon, tumatawa pa kami ng mga barkada ko sa likod at walang kamalay-malay na inaatake na pala sa puso ang butihin kong guro.

7. Marami na akong mga trip/pranks na nagawa. Pero ang pinakamalupit na nagawa ko (bago ko makasama ang mga greenies) ay nang magpanggap akong nakatulog habang nakaupo sa elevator ng isang hotel sa isang siyudad sa Southern Mindanao na itatago ko naman sa pangalang GenSan – habang nakabarong at shorts …at may suot na shower cap.

8. Nakarating ako sa finals ngunit natalo sa Super Quiz Bowl dahil nadistract ako sa chikababes na kalahok na nasa aking harapan – na sa hindi maintindihang pagkakataon ay nakalilis ang palda ng school uniform at lantad ang makinis at maputi niyang kaliwang binti. Ilang mga tanong ang hindi ko nadinig dahil maging mga tainga ko’y nag auto switch mode at nagevolve na maging mga mata na rin sa pagnanais na pagmasdan ang legs na nakahain.

 9. Mga ilang beses na din akong lumabas sa telebisyon. Nitong nakaraang araw nga lamang ay lumabas ako sa telebisyon habang napadaan sa Appliance Center ng SM.

10. Muntik na akong mabugbog ng mga taga MMDA ilang taon na ang nakalilipas habang nakapila pauwi sa terminal ng FX. May suki akong lolang sidewalk vendor na hindi agad nakatakbo sa mga dumarating na kawatan taga MMDA. Kitang-kita ko nang habulin ito ng isang may kalakihang buwaya na tumulak sa kawawang lola at naging dahilan ng pagkadapa ng huli. Para akong si Bruce Banner na hindi nacontain ang rage at tila Incredible Hulk na sumugod at nanulak sa kawatan. Huli na nang maisip kong marami pala ang mga kasama nito na may mga hawak pang yantok – mabuti na lamang at sumaklolo din ang iba pang mga Avengers, este, nakapila sa FX at naDAMDAM ang mga loko-lokong MMDA.

 

..bahala na kayong hulaan kung alin diyan ang kuwentong kutsero. At napag-usapan din lamang ang kuwentong kutsero,  hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang mga larawan ng pinakahuli kong trip nitong nakaraang Linggo, February 1, 2009 kasama si damdam at chroneicon.

Simple lang ang prank namin, ang magDRIVE THRU sa jollibee sakay ng KALESA. Nakakatuwa pa ring tingnan ang mga taong gulat na gulat, lalo na ang mga taga jollibee mismo, nang makita ang kalesang sinasakyan namin sa drive thru area:

 

Habang nakapila sa Jollibee drive-thru (at titig na titig sa amin ang mga sakay ng sinusundan naming CRV): 

02012009193

 

020120091941

 

020120091951

 

May bagong career na si chie!! Ang mangisda ng kabayo!!

020120091961

 

Salamat sa Jollibee TM Kalaw – Luneta Branch sa pagpayag na kami’y makaorder…

020120091971

 

At siyempre pa, sa game na game na kutsero at ang kaniyang cam whore horse.

020120091981

 

Itatag ko dito ang mga sumusunod (ang mga huli kong nakasamang bloggers nitong nakaraang enero 2009):

axel, chroneicon, damdam,  mariano, popoy, jeck, ayzprincesskuletz, jbee, billy, en-ey, gp, kirk, efbee, cyberlowla, dudan, kdr, leyn, pb, pedro (oo, sana buhayin mo ulit ang blog mo), saminella

 

Advertisements

27 comments

  1. wahahaha ASTEG!!.. ako sinubukan ko lang mag walkin sa drivethru ng MCDO eh pwede naman pala ahaha


  2. eh akalain mo yun. drive thru tas kalesa? hahaha ang cool lols. 🙂

    ano pa kayang mga trip ang susunod?lols


  3. Wow, ang kulit ng drive-thru. Haha. Pwede mo din ako yayain mag-trip pero di ko keri ‘yung ganoong level. Hahaha.

    Pero ‘yung number 7 mo, panalo. Hahaha. Hindi ka natatawa? Ako kaya ko siguro gawin ‘yun pero matatawa ako eh, baka hindi ko mapigilan. Hahaha.


  4. para dito, sa Amburella at sa mga susunod pang kalokohan at trip. kampay!!!


  5. lupet ng trip!..
    iba talaga hatak ni chie,hehe.

    mraming slamat nga pla sa pangtitrip sa nanay ko na wlang kmalay malay,buti nlang wla ako sa bahay. takte!.. ndi ko mpapatawad sarili ko pag nadala ako sayo MR.ROBERT JABAR. (tma ba ung name?) hehe.


  6. hahahaha! shet yan. ang kyut ng kabayo, walang kamuwang muwang.


  7. langyang manila trip namin yan.. firstime kong mag calesa, mapag tripan pa. lol. ayus din si manong kutsero, game rin sya sa trip namin.. yeah!


  8. Ahahaha, pucha ayos yun ah… Natuloy pala kayo nung linggo, nasa may Q.C. lang ako eh… Sayang!!

    Sigurado ako totoo yung natalo ka sa quiz show dahil sa legs ng babae… Hindi na ko magtataka… lolz…


  9. ang lupit tsong. pinahanga nyo na naman ako. at talagang sa luneta pa kayo nagtrip. hahahaha! pwede kayang ipang-motel din ang kalesa? drive-in? hahaha!


  10. ardyey, nakapaghatid na raw si manong ng couple(s) sa motel gamit ang kalesa 😀


  11. bakit nga ba hindi?
    ibugaw ang horsie story!
    paano na kung nataee!!!
    kawawang joli-bee…

    hehehe


  12. may pang salo naman ng jerbks yung kabayo may parang sako nakalagay malapit sa wetpu nya para isolated ang jerbs.. ehehe


  13. nag iisip ako.. alin kaya ang nag iisang kwentong kutsero/barbero dun!?!? naaliw ako sa pagbabasa…
    pero mas naalis ako sa cam wh… horse!!! ang ganda ng ngiti ni manong… hehehehe!!! ^_^


  14. hula ko number two yung imbento lang. haha. parang wala naman kasing bubukol! bwahaha

    astig sa trip ha. dapat nag-park na rin kayo sa parking lot tapos kain kayo sa loob ng jabi. hahaha. tingnan natin pag natae yung kabayo.


  15. hala. pagiisipin ko muna to. hahahaha. salamas LV. kisskishughugxoxololololmaorofl


  16. pwedeng patawa…. nyahahahaha! natawa ako at pinababa pa ang kutsero para magpakuha ng litrato. panalo!


  17. ang hirap sabihin kung alin yung kwentong kutsero. pero hula ko yung # 8. hehe. di ka naman siguro madi-distract dahil lang sa legs nung mga tsiks. lols. kelangan ko ding gawin ang tag na to dahil na-tag din ako ni kuya badoods. hirap akong gumawa ng isang kwentong barbero kaya di ko pa napost. hehe.

    ayos trip nyo nina chie at damdam ah. gusto ko rin makasakay ng kalesa. hehe.


  18. putek na yan. Drive thru amf!


  19. ui! na tag pala ako. cge magsusulat ako. 🙂


  20. ipupusta ko yung kaliwang betlog ko na totoo ang number 8. pero sana lang hindi ka nagpatalo sa tsik. dinistract mo din, nagbukas ka ng zipper at nagkamot. mga ganung diskarte.

    whoaa! anlakas ng trip sa drive thru. ayos. bwahaha.


  21. ako hula ko #4 dahil kadalasan ng damit mo e Bench at hindi penshoppe.. yan lang napuna ko.. err yan e hula. yung # 8 kasi posible nangyari yun e..


  22. ang saya saya!!!!

    was this the most fun you had without drinking? hihi


  23. pucha..ang puge ng kabayo..pakiss nga kabayo..iba talaga greenies family..woooh..


  24. haha!aliw na aliw ako sa pagpapakatotoo mo kaibigan.:D

    nice..


  25. hehehe, grabe, ang kulet!!!! akala ko makukulit na mga kwento mo.. mas makulet pala ang pagdrive thru nyo! ang saya! trip kung trip!!! 😉


  26. Ano inorder ng kabayo? Este ni chie pala. Hehehe..


  27. parang lahat kwentong barbero ah? hehehe..jokeness lang…:D ASTIG talaga trip nyu pasama naman! hehehe



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: