h1

balada sa pagkain

November 26, 2008

tulala.
nakatitig sa kalderong
nagkakanlong sa ‘sang salop na bigas
at isa’t kalahating pananabik;
nililibang ang sarili
sa pagmamasid
sa nagbabadyang singaw
ng mainit na awit,
na likha
ng nakadadarang na parikit.

ilabas na ang mamantikang ulam
at kolesterol
na bumabalot sa puso,
nagtatangkang ikubli ito
sa sulsol ng isip
at mapalinlang na nasa.

panandalian akong mapapangiti
habang hinahango
ang mga butil ng kanin
na sasabawan ng sebo
at pamaluting karne.

mainit ang sinaing
at masarap ang ulam,
ngunit may bigat ang kubyertos
at may hadlang sa lalamunan
habang mag-isang kumakain.

Advertisements

23 comments

  1. mahirap minsan kumain magisa. may mga panahong hindi mo mauubos kahit gaano ka kadami kumain. iba kasi ang may kasama. iba ang may kaagawan ng ulam at ng kanin. mas masarap ang may kasalo.

    sakit sa bangs. ang lalim ng tagalog. ano yung parikit?


  2. WOW.. ang naiimagine ko na pag kain mo dito eh caldereta o kaya pork adobo,, Nice! master!!


  3. lalim, naisipan mo pa ng tula ang pagluto?

    oo nga malungkot kumain alone.iba ang may nakakausap ka at kasalo.

    ako pala,kahit anong oras isang paramdam mo lang sasamahan na kitang kumain kahit titigan lang kita.


  4. Shyet! Ano ‘yung “Balada”? Napansin ko habang patagal ng patagal eh palungkot ng palungkot ang mga tula mo. Kumusta ka na ba talaga? Ano na balita?


  5. di ko nga rin naintindihan kung ano yung “parikit”. di na ko masyadong magaling managalog ngayon.lols. malungkot talagang kumain mag-isa. kahit na siguro gano kasarap ang pagkain di mo malalasahan. pero pag marami kang kasalo kahit tuyo lang ang ulam solb na. hehe.


  6. hmm.. malungkot talaga kumain ng mag isa.. e di ganito nalang, tutal may aso ka na, sabay nalang kayong kumain. ahihih πŸ˜€


  7. alam ko na kun ano niluluto mo?? sympre ang the best mong “chopsuey” nyhahaha πŸ˜€


  8. haha! natawa ako sa comment ni ate ayz! ang cute naman ng bago mong aso. πŸ™‚


  9. “parikit” hindi ba yun yung ningas ng apoy? tama ba ako? hehehe

    true yun, kung minsan kahit gano mo kapeborit ang pagkain na nasa harapan mo, minsan parang ang hirap kainin, ang hirap lunukin kasi lam mo nag-iisa kang kumakain


  10. sa pagiisa mo matututunang pahalagahan ang sino mang darating sa buhay mo. minsan, sa pagiisa mo din napagaaralang ilagay sa tamang “perspective” ang buhay mo.

    andito ako. katulad ng andyan ka din para sakin.

    walang iwanan.


  11. ayoko kumain ng mag-isa… nakakawalang gana. πŸ™‚


  12. andito lang ako kaibigan, wag ng magdamdam
    sa iyong pagkain, ikaw’y sasaluhan
    malungkot mag-isa, watas ko iyan…
    kaya naman ikaw’y dadamayan.

    milya man ang pagitan sa kasalukuyan
    di nga ba’t sa diwa, ako’y nariyan
    at sa aking pag-uwi, iyong asahan
    patis o toyo man ang ulam, di ka iiwan.


  13. Mag asawa ka na kasi parekoy.. =)


  14. ang ganda ng tula nakakaiyak.

    sabihan mo lang ako pag gusto mo ng kasama kumain. ill be there.


  15. anong ulam mo LV? adobong taba? tsk.. kung hindi ko pa alam eh may nakakubling undercurrents sa tulang to.

    “…ilabas na ang mamantikang ulam
    at kolesterol
    na bumabalot sa puso,
    nagtatangkang ikubli ito
    sa sulsol ng isip
    at mapalinlang na nasa
    ….”

    sinusuri mo pa ba ang iyong tunay na damdamin para sa isang nilalang? ewan. parang yun ang naiisip kong laman ng linyang to.

    xXx

    bossing, may invitation nga pala ako para sa iyo:

    http://purokareklamowalakangkwenta.blogspot.com/2008/11/pilipinas-kong-mahal.html


  16. isa sa magagandang bagay sa pagkain ng mag-isa, walang magsasalita na hindi masarap ang niluto mo ayon sa panlasa niya.


  17. sad. but there’s something about the 2nd stanza…


  18. sa pagkain mg-isa maraming maiisip, may masaya pero kramihan ay malungkot. sa pag-iisa, ndi lng sa pagkain minsan mababalikan mo ang mga pangyayaring makapagpapatawa sau dhil iniyakan mo noon at magpapaluha sau dhil sa masaya ka noon.


  19. kung sabagay may malikhaing musika ang bawat salita, maging pam-parikit, at ang hindi makasuyod sa lagablab ay may damdaming bali-baligho. ikaw’y talagang kamangha-mangha.


  20. mukang nakipasan lang ng gutom to eh!heheheh


  21. ha ha gusto ko ang tulang yan.

    kung me workshop ka sa pagsulat ng tula count me in. gusto ko matuto magluto.


  22. @popoy : ang parikit ay isang pinagkukuhanan ng init habang nagluluto πŸ˜€

    @johnlloy : haha salamat master johnlloy. kamusta naman si be? hahaha

    @beatrice : haha nacoconcious akong kumain pag may nakatitig 😦

    @ gasul : balada – ballad. haha okay lang ako parekoy, masaya naman…

    @ beero : korek! iba ang nagawa ng may kasama ka sa pagkain…

    @ ayz : haha oo nga no, isasabay ko si bella doggie ko…

    @ kuletz : anak ng… galing ng comment mo, konek na konek…

    @ dudan : hahaha isa pa to…

    @ yanah : nde ko kayo maadd sa link ko, wala kayong iniwan na link e 😦

    @ goddess : ayun o! ang dyosa!! wooow so sweet… thanks thanks dyanis!

    @ joshmarie : tara sabay na lang tayo…

    @ shayleigh : wooow, ang galing mo pa rin magsulat kahit inaagiw na ang blog mo hehehe… salamat po, tara, sabay2 na tayo kumain…

    @ espie : hehehe… un lang sagot ko hehehe


  23. @ c-fan : mas nakakaiyak yata pag kakain tayo ng sibuyas…

    @ utakmunggo : oi mare!! ang galing mo talaga, nadecipher mo ang second par ko… tsk tsk talentadong henya ka talaga.

    sige, gagawin ko ang tag mo… nakapila na yan hehe…

    @ kirk : hmmm e paano kung mahal mo ang magluluto ng para sayo? πŸ™‚

    @ canadianpinay : wow isa ka pa… galing…

    @ yee : ang lalim ng comment mo… sana may link kang iniwan para madalaw din kita…

    @ jimg : bossing idol!!! kamusta ka na? pinapahanga mo pa rin talaga ako sa mga talinghaga mo, o global poet…

    @ dhakekang : nice name!! at ang ganda din ng comment mo…

    @ abou : hmmm workshop sa pagtula na matututo kang magluto… magandang ideya yan… salamat sa pagdaan parekoy!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: