h1

Kagaya Ng Pagtatagpo Ng Tag-araw At Tag-ulan

October 21, 2008

 

kagaya ng pagtatagpo ng tag-araw at tag-ulan

na totoong mapusok at nakadadarang;

…pumawi sa uhaw ng tigang na bukirin,

lumunod sa nasa ng ilog na humimbing.

 

hindi mo matatanggap ang iyong pagkakamali.

anupa’t tiniyak mo na kilala mo ang sarili

bago pa man matipon ang tapang ng pagpapasiya

na tumuntong sa lupa, at angkinin ang kinilalang SIYA.

 

hindi mo matatanggap na ang SIYA’y naglaho

na ang nakaraa’y napipilas gaya ng kalendaryo;

pagkat batid mong ang tunay na mahalaga lamang

ay ang iyong pandama, hindi ang ‘sang kabiguan

 

at inaasam mong babalik pa ang sandaling iyon

ng pakikipagtalik sa panaginip na inanyuan ng kahapon;

dahil matalino ka’t may desisyong hindi mababali

kahit na puso mo’y nililibak ng sarili mong pighati.

 

kagaya ng pagtatagpo ng tag-araw at tag-ulan

na sa una’y mapusok at nakadadarang;

ngunit panandalian at nagdudumaling maghiwalay

dahil sa pagtuldok ng panahon at pagtatakda ng buhay.

 

 

Advertisements

31 comments

  1. Ilang beses ko binasa ang tulang ito, hindi ko pa din naintindihan ng lubos. Hahaha. = P

    Sino ba si “SIYA”? *LOLz*

    May mga bagay talaga sa buhay natin na kailangan utak ang ginagamit at hindi puso. May mga panahon na kailangan nating gumawa ng desisyon kahit mahirap at masakit.


  2. tsk.. isa na namang nakapunit panty na post.

    ang pagibig na siguro ang tunay na nagbibigay ng hustisya sa mga katagang “smoke and mirrors”. wonderfully deceptive, at talagang nakakahumaling. anuba’t pagdaan ng ilang buwan, taon, kung minsan dekada pa, biglang magigising sa katotohanang ilusyon lamang pala ang lahat.

    what hurts the most is if you find out you’ve been carrying the dream ON YOUR OWN.


  3. aww.. ang sad..

    may darating na bago.. promise.. meron.. 😀

    shet..wala akong masabe!


  4. tagal ng bagong article pero sulit naman ang hintayan.

    another one of your lethal poems. ang lalim ng pagkakasulat pero mas malalim ang sense. napakagaling mong writer..


  5. tumulo naman ang laway ko sa tula. what gift of words and wisdom you have there, really really very good.


  6. aba aba, sino or ano ang nag-inspire sayow?

    galing!


  7. kilala ko na SIYA!


  8. Hmmm, ang lalim talaga ng mga tulo mo master LV… Pakiramdam ko ay nalulunod ang aking kaisipan sa bawat bitaw mo ng mga salita…

    Eto ba ay dahil may mga pagbabagong nagaganap sa tao na iyon…


  9. @gasul : ang SIYA na tinutukoy ay isa ko pang talinghaga… 😀

    @utakmunggo : *ouch* dreaming on your own… 😦

    @ayz : hmmm oo nga, nadrain yata ang utak mo sa interview ng ateneo ah. hehe…

    @batanglayas : salamat… teka, umuwi ka na sa inyo, bad ang naglalayas.

    @barry : gift? waw, salamat din po… malapit na ang berdey ko, gift ko ha. hehe

    @jaja : jbee! haha nde mo SIYA kilala. pagka’t gaya ng sabi ko kay gasul sa tugon sa kaniyang naunang komento, ang SIYA ay isa ko pang talinghaga. 😉

    @axel : hahaha tulo? malalim ang tulo ko? 😀 salamat sa pagdaan bossing axel.


  10. wahahaha… oo nga, malalim ang tulo mo… lolz…


  11. wala ako masabi, walang kupas sa husay ang makatang sherwin.

    pakasalan mo na ako! hihi


  12. panandalian lamang ang lahat.. saglit lang ang pagtatagpo ng tag araw at tag ulan pero mahaba naman ang panahon para ienjoy ang dalawang season na ito..

    may ibang araw pa na magtatagpo ulit. mauulit ang ganitong panahon.. muling titibok ang puso..

    ps. Hindi ako sigurado kung tungkol nga sa love to.. mahina ako mag analyze ng tula.. hahaha.. nakikicomment lang para kunwari naintindihan ko.. hahaha

    xoxo lv


  13. lv, loved your comment…


  14. tulad ni efbee, di ko rin alam kung ano ico-comment ko. pero, LV meron na nag-aaya sayo ng kasal o. hehehe.


  15. papaano kasi andaming babae. ayan, nahuli ka tuloy!

    d pa nga tapos ang gulo, nagpapareto ka na agad sa isang banyaga.

    tsk tsk… magbago ka na!


  16. makata ka talaga, parekoy! tsk! bilib ako sa literary prowess mo! hehe.

    pero sino nga yung “SIYA”? ayan, ala akong masabi kaya mang-intriga na lang. lols


  17. ang lalalalim ng tagalog. hindi ko maarok.
    hindi ko mabatid kung ang winawari mo’y tungkol sa pag-ibig?

    sino nga ba SIYA?

    nakasuot pula, hila ang mga usa. puti ang balbas nya..lols 🙂

    syempre, niche mo to LV, ano pa ba masasabi ko? 🙂


  18. pag nagtagpo ang tag-araw at tag-ulan ang tawag nila dyan kinakasal na tikbalang.. hehe

    na ang nakaraa’y napipilas gaya ng kalendaryo
    -napapalitan naman ito ng panibagong alaala
    at ang kapigahatia’y napipilas ding gaya ng kalendaryo!

    naks, walang kupas sa talento lethalverses. ayos!


  19. Haha natawa ako sa comment ni Chie! Sino na naman ba ang babae nitong si Lethalverses??? = P


  20. sad poem but meaningful…

    everything ends talaga…


  21. aba ano.. to? lalim… sabi nila pag ganyan daw piyesta sa langit..


  22. ang lalim ah..

    nice:)


  23. gantihan ba to? nag-nosebleed din ako dito ha! ayan, quits na tayo.

    isa na namang ebidensya ng lupit ng hagupit ng yoda ng blogosphere (ang daming ‘ng’).

    =)


  24. anung likidong papawi sa aking uhaw
    kung pawis mo lamang ang nais tikman
    didilaan at sisipsipin, dahan dahang pumapayat
    gulat ka pagising, maliit na iyong tyan

    wala lang. hehe.
    gusto kong mag sit ups eh kahit tag init at tag ulan.
    nice poem.
    payo… may hangganan ang pagiging maligaya sa pansamantala. hehe.


  25. Hindi mo man matanggap na SIYA’y naglaho,
    Ikaw nama’y nandyan pa rin at hindi nagbabago.
    Hayaan mong lumipad ang ibon, at kung babalik sayo.
    Saka mo malalamang tunay ang pag-ibig na natamo.


  26. hello lethalverses. 🙂

    dropped by again. happy weekend!


  27. hmmm..ang sad naman nito, tulad nga ng sabi sa kanta “some good things never last”..kaya habang nandiyan pa..magpakasawa! 🙂


  28. hanep boi. . .

    haaaaaaaay. =/


  29. ang swabe ng entry na to.


  30. @ beatrice : walang kupas? parang PCSO na pala ako hehehe

    @efbee : hmmm tungkol nga sa love ito master alien 😉

    @neens : oi! magbalik ka na sa pagsusulat!

    @antuken : ako din, nde ko nagets ang ibig kong sabihin hahaha

    @chie : haha walang katotohanan yan. 😀

    @beero : ang SIYA ay hmmm… maraming bagay (o pwede ding tao) ang kayang salaminin ng “SIYA”.

    @popoy : idol! haha si santa klaws na pala ang SIYA ngayon

    @ruthan : salamat! yun pala ibig sabihin nun, kinakasal na tikbalang hahaha

    @gasul : wahahahaha kayo ni chie ang tunay na babaero… biktima lamang ako 🙂


  31. @joshmarie : everything ends… ibig bang sabihin nito nde totoo ang “everlasting love” gaya ng kanta ng The Company?

    @mte : huwaw! pyesta sa langit?

    @april : langoy! kayang-kaya mo yan!!

    @goddess : yoda ng blogosphere! huwaw, nakakaflatter naman. “in spirit, think I will and in soul, I will write.”

    @pb : wahahahaha nice nice poem! syet!!!

    @caloi : waw!! ang isa sa mga idolo ko! parekoy, welkam to blogging world!

    @eiyelle : habang nandiyan pa, e nandiyan pa nga!!! haha

    @napunding alitaptap : hanep en-ey!! fly fly!

    @ taps : hehehe ako yata si mister swabe!! ang hari ng sablay! errrm, mgkaiba palang kanta un.

    @napunding alitaptap :



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: