h1

Samu’t Saring Pranks…

September 29, 2008

 
Katuwaan lamang po ang mga ito, wala po kaming pinahiyang tao o pinagtripan.

…hmmm babawiin ko na lamang pala ang pangalawa. At wala din talaga kaming pinahiya – maliban siguro sa mga sarili namin sa ngalan ng “pure, clean, fun.”

Ang unang video sa ibaba ay ang “trip” namin kasama si mariano, chroneicon, at vera dalawang buwan na ang nakakaraan. Ito ang dare na nauwi sa trip kung saan nagpayong kaming tatlo sa loob ng isang sikat at mataong mall, at magpanggap na “umuulan” sa loob nito. Nahuli lamang ako sa paglathala sapagkat naging abala ako sa iba pang pranks work.

or watch this video in youtube :  http://www.youtube.com/watch?v=J-37VBU4Grs

 

At kagaya ng nauna kong lathala tungkol sa “Burnham Prank” teaser, ang sumusunod na video naman ay ang full video ng nasabing teaser, na inedit naman ni greenpinoy:

or watch this video in youtube : http://www.youtube.com/watch?v=u5dQuBSF-aU

 

…Sa mga nagnanais sumama sa mga sumusunod pang trips gaya nito, mag-iwan lamang ng mensahe o makisali dito: http://greenforums.greenpinoy.com/. Iisa lamang ang hinahanap naming katangian: kayang pigilin ang pagtawa, makulit, at game! (tatlong katangian pala ‘yun)

ENJOY!

Advertisements

20 comments

  1. gusto ko din makisawsaw sa mga ganyang franks he he


  2. exhibit A:

    patunay ito na merong hysteria and/or shared psychosis na nagaganap sa mundo ng blogosperyo. pinapatotoo nito ang age-old cheneler na “birds of the same feather, flock of seagulls.”

    sa mga mambabasa, ang age group ng mga tao sa video ay early to late twenties. importanteng malaman na sa panahon ng kanilang kapanganakan ay hindi pa naisusulong ang iodized salt para sa expectant mothers.

    lol. ang kulet.

    *inggit mode* mukha pa naman akong 20-something, pag naka-hitch ako sa landing gear ng british airways, ipagpipilitan ko ang sarili kong maki-join sa inyo. hehe (tutal di rin nag-iodized salt ang nanay ko dati)


  3. haha tawa kami ng tawa dito ngayon sa office buti na lang wala pa ang boss namin hahaha paano niyo napigil matawa sa mall?

    ang galing galing niyo kung ako yan gusto ko man sumali sure matatawa ako

    grabe talagang hindi kalang sa seryosong bagay magaling, pati talaga sa fun magaling pati


  4. wahahahahahaha sali na peep holes!!! 🙂


  5. eksena manila. sus. gang manila lang. ahahaha. tamo ang GP naka abot ng Baguio!

    ROB MANILA MIDTOWN & BAGUIO OWNED!!!


  6. Pare ayos ito ah? mas maganda kung mas mahaba tapos pupunta sa malakanyang. Hehehe….


  7. wahahaha. bakit nakakaadik gumawa ng pranks? sundan na natin yung Baguio. pag natuloy yung Tagaytay dun naman tayo manggago.hahahaha


  8. sana magkaroon na ng mall na walang bubong.. para sa inyo…


  9. credits to vera and her super-power 4 capturing all the way…down the escalator, just how did she manage…i wonder?


  10. hahaha ito pala un sinasabi saking prank na nakapayong si awin.

    artista kea yan samin kaya kaya niyang pigilin tumawa.

    more!more!


  11. amfness… ahaha… sakit tyan ko… langya… grabe sa kakapal ng pes nio…

    gusto ko sana magpasampal sa mukha ng ilang beses para kumapag pagmumukha ko… tapos gayahin ko yan dito sa mall… ahaha

    more… more… more…


  12. ang kulet nman neto!!! hahaha!


  13. ang galeng nyo naman. poydi ba ko somale deto sa sosonod? ahhihihih


  14. hahaha! ito ang pinaguusapan kanina sa lunch iniisip namin gayahin yung nakapayong sa mall.

    ang galing niyo!


  15. ok san naman ang next na destination para sa prank natin?? hehehe…


  16. may bago ka na rin palang bahay, kakainggit! hehehe!

    kakainggit din makisali sa trip nyo, balak ko sanang makisawsaw from qatar. kaso baka hulihin ako ng mga arabo at tirahin ako sa pwet wag na lang.


  17. ahahaha. sayang at hindi malinaw ang res ng camera. but the musical scoring is maganda! hahaha.

    mga trip nyo talaga. at hanga ako sa superpowers ni V. galing. hehe.


  18. Haha. Kulet. 😉


  19. hahaha ang galing ng first video,ganda ng sounds sayang lang don sa resolution…pero cool!

    natandaan ko nong college pa ako sa baguio,nag paa ako buong araw..mula sa school at nagpaikot ikot pa sa labas ng school..di ko makakalimutan yung mga itsura ng mga tao na nakakakita na wala akong suot sa paa..hahaha!


  20. ayyy… inggit ako sa trip ah… sobrang naaliw ako sa panonood ng videos… 😉



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: