h1

Dyak En Poy

September 26, 2008

 
paulit-ulit
ang ginagawa natin
na bagamat batid nating hindi dapat
ay nahahalina,
at nahuhumaling
tayo sa pagpilit.

paulit-ulit
ang katigasan ng ulo
na inuuna ang linlang ng mata
at kasinungalingan ng puso
kahit pa nasasaktan na
at lagi nang humahalik sa pait.

 

…paulit-ulit
kagaya ng nakakuyom na kamao
na kinakain ng nakalatag na palad
na pinipilas ng dalawang daliri
na tinitibag namang muli
ng nakakuyom na kamao.

walang tunay na nanalo
kundi ang lumipas na oras
na nakangiti
habang umaalis
at binubulong sa hangin
kung gaano kahangal maging tao.

Advertisements

26 comments

  1. wow! panalo ka sher sher!!!


  2. na paulit ulit, na parang kurap na makulit. walang saysay ang kilos, o kung meron man hindi sapat na pang tustos para tanggapin ng madla ang rason kung bakit paulit ulit?
    oo, isa ako sa di mapanaligan sa paulit-ulit na sistema.. maaring tanggap ko pero ayaw kong paniwalaan… sa ngayon.
    ayan ayan napa comment tuloy ako!!!


  3. ngayon lang ulit ako napadaan at bago na pala ang iyong bahay..kongrats! danda dito.. 😉

    tulad nga ng sabi nila..
    “mas masarap ang bawal”
    kaya kahit alam nating hindi pwede..pinipilit pa rin..
    1 lang ang alam kong kahit paulit ulit hindi nakakapagod,.. ang magmahal..hehehe!


  4. very nice!dotcom na!
    you deserve a dotcom!

    on poem mo: ang dami kong nairerelate at napagisip ako. mas naging lethal ka pa yata dito sa bagong address mo. galing.


  5. Hmmm… may girlfriend ka ba ngayon o wala? Sagutin mo Sher. SAGUTIN MO!!! *LOLz*

    Ang tinutukoy mo ba dito ay si *Toot*? Asan ang susi? Hehehe.


  6. ah kinilabutan ako ng marealize ko na ang third stanza rock scissor at papel.

    galing mo talaga.


  7. shet hindi ko mahuli at makyat ang rurok para intindihan ang mga malalalim mong tagalog.
    galing!


  8. nice.


  9. hi…ahhmm.. wala lng. napadaan lng ako sa site mo. sinubukan ko kaseng i-search ang pangalan ko gamit ang google. tamang trip lng. tapos nakita ko, madami pala kong kapangalan. isa ka na dun. hehe.
    galing mo magsulat.
    more power to your site. 🙂


  10. oo nga noh?! hindi na tayo nagsawa.. kahit alam na naten ang pwedeng mangyare.. hopeful pa rin tayo na magbabago ang ending..

    galeng sher!!


  11. you win some, you lose some.
    parang dyak en poy rin ang tema ng love and lust.
    kaya siguro madaling ipagpalit-palit ang dalawa,
    lalo na kung naglalaro at nagpapalipas lang ng panahon ang isa.

    pero iisa lang ang sigurado diyan, ang matalo’y siyang unggoy. hehe


  12. ito pala din ang sikat na lethalverses.
    kaya pala lethal.
    at kaya pala sikat.
    mahusay. nakakabading ka.


  13. Ang galing ng pagkakalatag nung larong dyak en poy sa 3rd stanza mo. Kabilib. Anu ba kasi ang kahulugan nitong tulang ito sa iyo, mukhang may pinaghuhugutan kang matinding emosyon. Hehe.


  14. ganda naman ng bahay mo… napadaan.


  15. may pait ang bawat kataga, simpait ng buhay…

    a vicious circle? well, that’s how life is…


  16. sure winner in the field of poetry – sherwin aka lethalverses!!

    matatagalan ako dahil babasahin ko lahat ng posts mo sure.


  17. on and on…walang hintong applause…para sayo !


  18. Catch me I’m falling to your charm wits and humor…


  19. TAMA!!!

    Paulit-ulit na lang… tapos hindi pa rin nadadala…

    OMG!!! It hurts you know, masakit?!

    hahaha

    Ay alam mo ba may kinuwento sa amin tungkol sa nursery rhyme ng mga bata:

    Yung ano

    Jack n’ Jill
    Went up the hill (Went up the bed)
    To fetch a pale of water (to have sex)

    Jack fell down (Jack got horny)
    and broke his crown (and cum)
    and Jill came tumbling after (and Jill cums shortly after him)

    hahaha… naku kaya kayo wag na daw kantahan ng jack n jill ang mga bata…


  20. BOSSING LV!!!

    Isa ka talagang henyong manunulat! Ang sarap magcomment na bagong datkom! Hayup!

    Masarap pampalipas oras tong dyak en poy.

    Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
    May oras kailangan na maghiwalay
    Puso’y lumaban man walang magagawa…


  21. ang husay mo talagang sumulat awin!!!!

    at wow nga naman bago na bahay mo!!


  22. anmumang higpit ng pagkakuyom ng kamao, luluwag ito habang merong mga mata na handang linlangin ang ating ulo. at bago tayo lisanin ng oras, ngingiti muna ang hangal.


  23. dumugo utak ko dun ah. di kaya ng aking pang-unawa ang aking nabasa. ahehe. you always wow me with your poems parekoy. you write like a pro! *clap, clap


  24. hahaha,
    ayus ung poem.
    meron din palang
    nagbablog ng ganito.
    i have a similar post
    check mo if you have time.

    Jack And Poy


  25. Magaling. Mabuti ka pa, nakakagawa ng ganyan. Inspirasyon, kailangan ko nyan. Pahinge.


  26. ganun ba talaga?

    ang hirap maging tao. . .



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: