h1

Isang Pakikidalamhati, At Pasasalamat.

September 22, 2008

Isang pakikidalamhati sa namayapang ama ng kaibigan kong si Jeri. Gaya ng sinabi ko sa iyo, naghahari ang dalamhati sa akin dahil hindi man lamang ako nagkaroon ng pagkakataong bisitahin siya sa ospital noong siya’y kasama pa natin dito sa lupa.

Nararamdaman ko ang kalungkutan na iyong nararanasan. Bagamat nasasabi nating mas mabuti na din ito para sa kaniya anupat nakatakas na siya sa gapos ng sakit at paghihirap, ay alam kong tunay na lahat tayo’y mangungulila sa kaniyang pagkawala.

Kay tatay Jerry – salamat po sa mahusay na pagpapalaki sa kaibigan kong si Jerilee. Natitiyak kong masaya kang umalis baon ang kaisipang nasa mabuting landas ang iyong anak at ang aming kaibigan.

****

Hindi ko din naiwasang salamining muli ang aking sarili matapos ang pag-uusap namin ni Jeri sa telepono. Maaring hindi ko nga ganap na maiintindihan ang hinagpis na hinaharap ng gaya niya, ngunit nauunawaan ko naman ang pait ng pagkawala ng isang AMA.

LUMAKI AKONG WALANG AMA. Anim na buwan pa lamang ako ng maulila ako sa isang ama; hindi ko naranasan ang kaniyang presensiya na sana’y katuwang ng aking mahal na ina sa paggabay sa aking paglaki, kasama ng nag-iisa kong kapatid.

Natatandaan ko pa na noong ako’y grade 1 pa lamang (at dahil hindi ako dumaan sa nursery o kindergarten, iyon ang masasabing una kong pagharap sa mundo ng nag-iisa), pinapatayo sa harap ng klase ang lahat ng mag-aaral upang magpakilala at magbigay ng mensahe sa kani-kanilang magulang. Nang ako na ang magsasalita, ang nasabi ko lamang ay “Mama, mahal na mahal ko po kayo… at Papa, sana nakilala po kita…”

Hindi ako nagpapaka-emo ng sabihin ko iyon, pero iyon ang tunay na nadama ko matapos marinig ang mga naunang nagbigay ng mensahe. Dumating din sa panahon ng buhay ko na tuwing papagawain kami ng project tungkol sa Father’s Day, nagtatanong ako sa aking guro kung maari bang huwag na lamang ako magsumite ng project, anupat wala din lamang akong pagbibigyan nito. At tuwing taon nga, kinatatakutan ko ng dumating ang Father’s day dahil sa ganitong kadahilanan, anupat ang mga guro ko noon ay pinipilit akong gumawa ng greeting card para sa isang ama.

Natigil lamang ito noong ako’y nasa ikalimang grado na. Natigil ito ng dahil sa halip na greeting card ang aking isumite ay isang sanaysay (na maaaring ang pinakaunang literatura na aking kinatha bilang isang manunulat) ang aking ginawa, na pinamagatan kong “A letter to the Father I never knew“.

Sa nasabing sanaysay ay naipahayag ko ang aking tunay na damdamin tungkol sa aking ama. Doo’y sinabi ko kung gaano kalaki ang epekto ng isang ama sa kabuuan ng isang kabataan, ipinahayag ko ang mga masasayang bagay na dapat sana’y nararanasan ko noon. Ngunit sa huling bahagi’y pinasalamat ko pa rin ang aking ama dahil ang kawalan niya’y nagpatibay sa aking higit upang matutunang tanggapin ang mga bagay na wala tayong magagawa o kontrol.

…At higit kong natutunang pahalagaan ang aking ina at nag-iisang kapatid. Iba ang nakikita sa nasasaksihan : bagamat lahat ng tao’y nakikita ang pagsusumikap ng iba sa pag-aaruga’t pagpapalaki sa atin, ako nama’y nasaksihan ang mga ito. Nasaksihan ko ang sakripisyo’t pagpupuyat ng aking ina maitaguyod lamang ako at ang aking kapatid.

Sa aking ama na hindi ko nakilala, salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong lumaki at mabuhay sa mundong ito. Ikaw ang taong minahal ko kahit hindi ko man lamang nakikilala.

Salamat pong muli…

Advertisements

28 comments

  1. hay sher. parehas tayong tungkol sa tatay ang latest post.

    alam mo ikaw, kahit wala kang naging father figure, palagay ko sapat naman ang guidance na binigay sayo ng mama mo kasi mabuti kang tao at alam kong magiging mabuti kang tatay pag nagkaron ka na ng anak.


  2. Pareng Sherwin, alam kong alam mo na ang saloobin ko tungkol dito. Isa sa mga rason kung bakit tumatag pa lalo ang ating pagkakaibigan: ang pagmamahal natin sa ating mga magulang. Nand’yan man sila o wala na.

    Nakikiramay din ako kay ‘Pareng’ Jeri.


  3. bilib ako sa tatag mo at saludo ako sa mama mo dahil napalaki ka niya ng ganyan, walang bitterness at napaka-positibo’t sensitibong nilalang.

    payakap nga.

    πŸ™‚


  4. Hindi na naman siguro kaila sa inyo(greenies) kung anong relationship meron kami ng Daddy ko nung nabubuhay pa sya. Pero sa kabila ng lahat, alam ko pa rin sa sarili ko na he only wanted what’s best for me, for our family. Kaya naman sobrang mahal na mahal ko siya.

    Pareho tayo, sobrang thankful ako sa mommy ko dahil sa lakas ng loob nya na alagaan at palakihin kaming 3.

    Condolence kay Jeri.


  5. @vera : oi oo nga, nabasa ko na ang new post mo. hmmm so pano yan, flower boy na ako?

    @gasul : salamat pare, tama ka. at hindi ko malilimutan ng ishare mo ang kwento tungkol sa canopy ng gate nyo. at BABAE SI JERI! pinakilala ko na sa inyo yun, rimimbir?

    ..sayang wala ka sa baguio…

    @utakmunggo : oo ba, hugz. at naniniwala akong ikaw din ay isang mabuting ina at asawa kay general (promoted na si mister mo hehe)

    @pampoy : oo, at tama si gasul. ito ang isa sa mga katangian na nagustuhan natin sa isa’t isa. ang pagmamahal sa magulang.


  6. nakikiramay ako kay Jeri…


  7. hihi, nauna ako mag-comment sa multiply mo. eniwei, i’m sure you’ll be a good dad too. i just wish i’ll be (kahit 1/4 of how cool my parents are) one heck of a cool mom also. someday nga lang. kse di pa rin kami makabuo ng baby ni mr. antuken. 😦

    p.s. (i’m still sooper inggit sa baguio nyo, tapos you kept on calling pa last thurs — na napindot lang pala, tapos sagot ako ng sagot eh wala naman kumakausap saken, sus) wala ba akong pasalubong???


  8. ahahaha. napakalaking flowerboy. oi sher, dumadatkom!!! YIKEEE!!


  9. talandi ka. datcom na pala, di man lang nagsasabi. hehehe. congrats!


  10. kahit hindi natin nakagisnan ang gabay ng isang ama, malaki ang pasasalamat natin na pinunan ito ng ating butihing ina. isang mahirap na responsibilidad kung tutuusin. pero wala tayong narinig na reklamo. unconditional love. dahil dito mas lalo nating na-aappreciate ang pagmamahal ng isang ina.

    at dahil diyan, alam natin kung paano respetuhin ang mga anak ni eba.

    *cheers*


  11. hindi ako makapag komento sa mga isyu ng tatay… kaya icocongratulate na lang kita sa bago mong domain…


  12. condolence ke jeri…alam ko rin kung paanong mawalan ng isang ama…

    kahit ngayong malaki na ako literal at otherwise, madalas ko pa ring maisip, na siguro kung buhay pa si tatay, hindi siguro magiging ganito ang buhay ko…siguro hindi magkakandaleche leche ang lurvelife ko…

    maraming siguro maraming sana, pero yan ang bigay ng kapalaran…

    darating ang araw, ang mga anak ko walang kakagisnang tatay…at hindi pa ako handa sa mga katanungan nila…

    sana wag na lang silang magtanong…


  13. @ chroneicon : salamat parekoy, nakarating ang pakikiramay mo kahapon.. tenkyu din daw…

    @ antuken : wahahaha sory, nde kasi nalock ang cp ko… nadial ng nadial ka pala hehe… sama na nekstaym.

    @ vera : salamat sa libreng plugging ng pagiging datkom ko… muah po yu!


  14. ang sosyal! datkomista na! congratulations sher!

    condolence kay jeri.

    katulad ng nacomment ko kay vera, sensitibo para sa akin ang topic tungkol sa mga ama. i just want you to know na natutuwa ako sa’yo — sa inyong magkakaibigan, dahil sa sobrang pagmamahal niyo sa mga magulang ninyo, lalo na sa mga nanay nyo.

    i’m proud to be your friend.


  15. @ kdr : idol, salamat sa suporta, agen, sa blog ko. isang malaking karangalan. oo nga, igalang ang mga babae! igalang sila leynβ™₯!!! hehe

    @wanderingcommuter : nde ko alam ang isasagot ko… i feel for you bro, salamat na din sa kongratumaleysyons mo… πŸ˜‰

    @lyzius : hmmmm alam kong isa kang mabuting ina, kahit paano’y nakilala na din naman kita. at alam kong kakayanin mo ding buhayin magisa ang anak mo… salamat po…

    @goddess : oo nga, nde ako makapaniwalang datkom na ito… sana lang may nagbabasa naman hahaha


  16. sher sher.. condolences kay jeri..

    lahat ng mga naimpart mo sakeng kwento about your dad made me love my dad all the more. made me realize how fortunate i am to still have my dad with me. at naalala mo, i forgot to greet him on his bday.. balak ko bumawi, sa 29 ang kinagisnan namen na bday nya.. bibilhan ko nalang sya ng something..

    congrats sa dat kom..


  17. nakikidalamhati ako sa kaibigan mong si jeri…

    hanga ako sayo kasi nakaya mong mabuhay kahit walang nakagisnang ama. alam ko hindi ganun kadali yun. lumaki ako na kasama ama ko pero may panahong di ko naiparamdam na mahal ko sya. pero nung marealize ko na swerte ako kasi kahit pano andyan sya para sa kin, naging ok na kami hanggang ngayon.


  18. may nauna na akong comment pero hindi ko kasi alam kung angkop ba yung sasabihin ko. marami kasi ang pwedeng maging ibig sabihin ng “naulila”. πŸ™‚

    lumaki akong may ama, pero lagi namang wala kaya. okay naman kami ng tatay ko ngayon pero minsan, naiisip ko kung ano kaya kung nagabayan niya ako habang lumalaki ako. lumaki naman kaming mabubuting tao (nga ba? hehe) pero feeling ko, mas naging masaya yun kung sama-sama sana kami. πŸ™‚


  19. ayoko sana makabasa ng mga ganito. masakit kasi wala din akong tatay. i lost him when i was 4…

    my condolences to your friend jeri…


  20. WOW!!!

    .com ka na pala!!!
    STIG!!!

    Update ko link haha…

    wed-fri lang kami dun… bitin. Sayang…


  21. Ay sorry, mali yata ang napagcommentan kong page….


  22. nakikiramay ako sa kaibigan mong si jeri..

    saludo ako sa iyo at sa iyong nanay na nagpalaki sa inyong magkapatid. mahirap maging single parent at mahirap lumaki ng walang nakagisnang ama pero nakayanan nyo..

    side comment: hindi pala kita ma add sa plurk dahil hindi ko na alam ang password ko dun..sensya ha..

    eto na ba ang bago mong bahay? papalitan ko na yung add mo sa blogroll ko..
    ingat=)


  23. @ ayz : salamat at may natutunan ka palang maayos sa akin hahaha…

    @ beero : parekoy, natutuwa akong malaman na naging ok na kayo ng father mo… e ang mga chiks mo sa lahug, ok pa ba kayo? hahaha

    @ mnel : ang galing, tama ka… may ibang kahulugan ang paggamit ko ng “ulila”…


  24. @ lowla : muli, naniniwala po naman ako na kayo ay isang mabuting ina kila echo at xman… at saludo ang greenies sa inyo.

    yewr sooo cool lowla!

    @ mcrey : parekoy, salamat sa pagbati bilang datkom… at wag ka mag-alala hindi ka magkakamali sa pagkukumento, ang mahalaga ay napadaan ka ulit. salamat!

    @dra rio : opo, ito na ang bago kong bahay… at salamat sa blogroll update πŸ˜‰


  25. Bagong bahay ka na pare ah?..
    Nakakalungkot naman yung nangyari sa father ni Jeri. alam ko namang may mga kaibigan pa naman sya na nagmamahal sa kanya.


  26. [quote] e ang mga chiks mo sa lahug, ok pa ba kayo? [/quote]

    haha. pano mo nalaman address ko bosing? ok lang naman sila d2. lols


  27. napaluha ako sa iyong salaysay.. saludo tlga ako sa mga single parent mom!!! meron din ako kilala mag isang tinaguyod ang anak.. saludo ako sa nanay mo LV!!! nawa’y pagpalain pa cia lalo ng poong may kapal!!!


  28. @espie : oo pare bagong bahay, bagong buhay hehehe

    @beero : haha obvious namang taga lahug ka, nabanggit mo na before parekoy haha..

    @theng : ooops sorry theng, napaiyak kita… 😦



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: