h1

proud ako sa mga humor blogs na ‘to

September 3, 2008

Sasali ako sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles at iboboto ko ang mga sumusunod na top 3 humor blogs na ito; hindi lang dahil sa sila’y mga kaibigan ko sa totoong buhay kundi dahil talagang magagaling, kapupulutan ng topak at ikasasakit ng tiyan ang mga nabanggit:

1. greenpinoy – ang blogger na ito na kinayang humarap sa camera ng naka brip upang patunayan na siya ang inspirasyon sa paglikha ng isang sikat na cartoon character, ang blogger na kahit si Alma Moreno ay nalinlang sa pagpapanggap na siya si Vandolph, ang blogger na kakatapos lamang ng successful first season sa project ube tv, ang blogger na nagpalaki ng samahan ng aming grupo na ngayo’y tinatawag na greenies/lashingheroes, at napakarami pang iba.

…ngunit nananatiling kahit siya’y makulit, may puso sa kapwa. Ibabalik ko ito sa iyo ngayon Jason: Mabuhay ka, ikaw ay isang Pilipinong mataba Makulit!

2. mariano – bilang tanda ng pagiging nakakatawa, pagpunta mo pa lang sa blog niya ay si joker na agad ang bubungad sa iyo (walang kwentang trivia: siya rin ang gumanap na joker sa nasabing larawan. kuha noong dekada sinkwenta). bagamat makukulit ang kaniyang mga hirit, sasakit ang bangs mo dahil maitatanong mo sa iyong sarili: “Oo nga ano” (na hindi naman pala tanong dahil wala namang kwestyon mark) dahil sa kaniyang matatalinong obserbasyon, suhestiyon sa buhay, at mabilis na pag-iisip ng mga punchline.

Sino sa atin ang bumungkal ng paso at nakaalalang batiin ang mga lupa ng “Maligayang Earth Day”?

…Si Mariano lamang. Shame on us.

3. kingdaddyrich – kailangan pa ba ng introduksiyon para sa isa sa mga kinikilalang institusyon ng blogosphere? Ang kaniyang blog ay kakikitaan mo ng kaniyang malawak na dibersidad at talento sa pagsulat : marami kang matututunang mga facts at f_cks, kailangan man sa buhay o hindi, disente man o bastos. Kaya niyang magpatawa ng hindi pilit at seryoso ang tema ng pananalita, kaya niyang gawing interesante ang mga bagay-bagay na karaniwang pangkaraniwang nagiging karaniwan lamang (paumanhin sa department of redundancy department), at higit sa lahat: kaya din niyang kumain ng bubog, apoy, telebisyon, department store (basta hanggang 3rd floor nga lamang)

, babuyan island, etc.
…JOKE lang. Hanggang 4th floor ang kapasidad niya sa pagkain ng department store.
 

MABUHAY KAYO, MGA PILIPINONG MAKULIT!!!
 

 

 
 

 

 

Advertisements

13 comments

  1. grabe naiyak ako dito tae ka LOL

    maraming salamat LV!!!!!!!!!!!!!!! 🙂


  2. Pabagsakin si…

    … wala lang.

    *LOLz*


  3. pabagsakin si inday?

    wahahaha… oi GP, pabardyer ka naman!


  4. ahahaha!! naaliw naman ako sa paglalarawan!


  5. salamat at binoto mo ang fafa ko. 😉

    natawa ako sa comment ni alex. LOL.


  6. Salamat sa pagboto sakin sher!

    At salamat honey leyn, i love you..


  7. Lethalverses…. Sher…. ipakalat mo ang tulang ito…. sana makarating sa langit… at sa kaduluduluhan…. ng blogosperyo….ito ang magpapatunay ng lupit ng triangulo… ang samahang nabuo sa pagkakaisa at walang iwanan……. inaalay ko ang tulang ito sa bawa’t isa sa tatlo…
    http://bananakids.blogspot.com/2008/09/remeber-us-three.html


  8. ngayon ko lang nakita ang ‘hulaan-nyo-kung-sino-ako” ni GP. tanginangyan! bwahahaha! =D


  9. @shayleigh : haha mas nakakaaliw pa din ang mga taong yan, sa blog and lalo in person!


  10. @ kdr : huwaw! ang sweet mo talaga kdr!! yuhooo


  11. @ HB : parekoy! salamat, salamat sa loyalty mo sa ating kasapi ng triumvirates… ibangon ang cuteness, err, ang kalayaan!


  12. gud lak sa mga greenies! hehe. oh, yung burger, ihanda na! LOL


  13. Oo nga,goodluck sa tropa mo..

    For sure sa next best literary blog ikaw naman ang makikita kong kalat ang pangalan.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: