h1

isang pasasalamat sa isang simula

July 18, 2008

may alab ang tawag ng isang plumang nakapinid,

gaya ng tula na tugma na ang nagpupumilit;
tubig na sapilitan mang sa palad ay ikulong,
dagliang umaalpas at sa lupa’y magkakanlong…

Pramis, tinangka kong gawing seryoso ang lathalang ito. Ngunit sa anumang kadahilanan ay hindi ko magawa – marahil ay dahil nalulunod pa rin ako sa excitement na may reunion concert ang EHeads.

Nakatataba ng pusong malaman na may mga nag-alay sa akin ng tribute para sa namayapa kong blog. Maging ang mga reaksyon sa YM, text, tawag, kumento sa mga blog, reaksyon sa forum, ay nagsilbing pigrolac sa nangayayat kong panulat.

Kaya bago ang lahat ay hayaan ninyong pasalamatan ko kayo. Alpabetikal na lang para peyr:

ayzprincess – salamat sa tulang inialay sa akin kahit hindi ko pa ito natatanggap. salamat sa pangungumusta at pagtatanong na “kumusta ka na, sher sher?”…
chroneicon – sa tribute na nagsilbing one final push para bumalik na ako’t magsulat. sa pagiging isang tunay na kaibigang naririyan noong emo mode pa ang dating lethalverses…
damdam – salamat sa mga luha mong sinayang nang matuklasan mong wala na ang aking blog; at sa mga matatalinong usapan na gumising sa aking nakukultang utak…
espie – salamat sa pag-aabang kung ako’y babalik pa nga ba, at sa mga text message na hindi ko na nasagot ng mga panahong iyon…
faith – sa pagbabalik sa akin ng mismong mensahe ko sa iyo noong ikaw ay nasa hiatus mode – na tumimo sa akin at nagbigay daan upang mabuksan ang daan pabalik…
goddess – sa mga walang sawang pangungumusta at sa blog tribute… salamat sa lakas ng iyong loob na “ampunin” ang mumunti kong tula…
lashingheroes & co. – siyempre sa mga greenies na laging naririyan, laging nangungumusta, laging nagnanais na pasiyahin akong muli, at humihiling ng aking pagbabalik…
jeck – salamat sa blog tribute. kahit na bihira kang magpakita sa amin ay nananatili ka pa ring loyal sa naumpisahan ng samahan…
jimg – sa iyong pagtitiwala at paniniwala sa aking kakayahan. ang totoo niyan ay ikaw ang naunang nagbigay ng blog tribute sa akin…
kdr – siyempre, sa pagiingat ng aking domain name upang matiyak na walang ibang maaaring makakuha ng “lethalverses” name. salamat…
mte – muli, sa napakalalim at mabagbag-damdaming blog tribute. kahit na ilang taon na ang nakalilipas ng huli tayong naging magkakabarkada’y naririyan ka pa rin…
shayleigh – sa overseas call upang mangumusta lamang, sa pagiging sweet na kaibigan bagamat kagaya ng karamihan ay hindi pa rin kita nakikilala ng personal…

at sa IYO na nagbabasa nito. salamat sa iyong paghihintay, at sa pagtangkilik.

…at kay AIR – salamat sa iyong pang-unawa… SALAMAT, mananatili kang magandang alaala at inspirasyon ng aking panulat.

Β 

Β 

Advertisements

27 comments

  1. sabi ko na nga ba eh! di ba tama ang mga predictions ko? LOL


  2. yey!!!

    buti marunong akong magkalkal nang archives.

    LV: sapul talaga ako dun sa ym ko sayo na nisend mo sakin ulit,as in.
    LV: sinabi ko sya
    LV: then it haunts me back
    “it’s YOUR blog, not jst A blog”-LV

    welcome back!!!


  3. Pare koy!!! Namiss kita! kala ko kung ano na nangyari sa iyo eh… Hindi ko sana itutuloy yung big day ko kung wala ka. Hehehe.. Inuman na!=)


  4. webee LV
    asl? eow…

    ikaw pala..salamat naman nagbalik..
    ito pala bilang handog..

    http://mte-emptywords.blogspot.com/2008/07/ilan.html


  5. @shey shey πŸ˜›

    *hugs* kahit na lage mo kong iniiwan sa ere kapag ym mode tayo sabay nagtataka ka kung bat ako din e bigla nalang nawawala (dahil natutulog pa pala ako?! akalain mo yun?!)

    ang masasabi ko lang:

    PASALAMAT KA NAUNAHAN AKO NI KDR KUMUHA NG BLOG NAME MO, KUNDI MAGPAPABAYAD AKO NG 500 BAGO KO ITO IBALIK SAYO!! LOLZ πŸ˜›

    WELKAM BACK SHER!!! na miss ka ng blog world πŸ˜€


  6. walang anuman… isang karangalan yun para sakin.. miss yah!


  7. saan ka ba nag-ala Gringo at nagtago?

    welcome back!

    πŸ˜€


  8. hay salamat, nagbalik na rin ang isang alamat…sana sher hindi na mag emote emote ha…


  9. Bakit wala ako sa mga pinasalamatan mo?? huhuhu… tampo me… joke…

    Masaya ako nakabalik ka na parekoy… Hindi pa kasi ako nakakabasa ng blog mo eh…


  10. “damdam – salamat sa mga luha mong sinayang nang matuklasan mong wala na ang aking blog; at sa mga matatalinong usapan na gumising sa aking nakukultang utak…” – nag pauto ka naman sa akin? sos ka…

    JOKE LANG LV.. lam mo naman mahal ka namin.. para ka ng pustiso, we cant smile without you(shet ang korni).. oh well welkam bak!!!


  11. welcome back LV…
    tagal ko din nagpabalik balik dito at buti natagpuan ko na ulet…
    namiss ng lhat ang mga post mo…
    nakakatuwa nman at nagbalik ka na…
    tapos na pala sa emo mode kaya bago na din ang layout…huwaw!!


  12. welcome back LV… masaya ako na nakabalik ka na. nice layout!
    don’t worry in time, magkikita din tayo with the rest of the greenies.


  13. Naiyak ako ng itext ako na nagbalik ka na daw,kaya naghanap pa ako ng internet sa Bataan(galing company outing) last weekend pero wala.

    Eto,paguwi ko ngayon internet agad.Ang galing,you’re back!Wag ka na ulit aalis ha,andaming nagmamahal sayo pala talaga.

    We missed you..


  14. ambilis ni Mishell oh hihi

    sherwin!salamat din at nagbalik ka!

    ang galing ng dalawang tula agad, ito ang namis namin sa lethalverses. genius ka pa din hanggang ngayon!

    makiki i lab yu din. hihi


  15. ako rin makiki-aylabyu!

    hihihi…

    weebee lv!


  16. di mo talaga kami kayang iwan!!

    welcome back sherwin!! nice new layout…

    missed you.


  17. welcome back!!!!!!!!!


  18. you know like we miss you, and we miss reading your post. . .

    ahaha, feeling, tsk, sikat ka talaga no! ayeeeee. . . ang daming nagbigay ng tribute, nakanang! winner!

    tungkol sa sinabi mo na ibinalik ni faith sayo(o, feeling close naman ako). . . minsan, nagsasalita talaga tayo para sa sarili natin. pero, pinagbibigyan nalang din natin na matuto DIN tayo sa iba.

    may mga bagay kasing alam na natin, pero, kaya nating balewalain. pero babalik at babalik yun sa atin. like, they aren't worth the balewala(ay konya, amfangets) ahahaha!

    ang pagbablog parang "ayako ng magbreath" >>ayun, huminga ka pa din after saying such litanies.

    flyfly! =p


  19. at sa IYO na nagbabasa nito. salamat sa iyong paghihintay, at sa pagtangkilik. – alang anuman parekoy. hehe. welkam bak nga pala parekoy! nabasa ko sa blog ni chie ang nangyari. pagala-gala kasi ako minsan sa blogosperyo. hehe.

    excited na rin ako sa concert ng Eheads kahit di ko mapapanood. hehe


  20. hindi ka nagkamali sa mga taong iyong pinagkatiwalaan. πŸ™‚


  21. ayan bumalik ka na pala, nahuli lang ako ng bisita hehhe. muli WLECOME BACK SA BLOGWORLD πŸ˜€


  22. gaya ng sabi ko sa pers post ko, paumanhin sa late na pagreply ko sa inyong mga comments…

    @jim : jim! waw, oo nga ang galing mo manghula! bigay naman ng lotto tips diyan o..

    @faith : haha salamat talaga sa pagsave ng YM conversation natin na yan before… it hits me back.

    @espie : oi parekoy, nakita mo ang link ng name mo sa post ko? hehe kita kits sa kasal mo!!

    @mte : frank! lupit talaga ng tula mo, salamat sa new tribute…

    @ayz : oi wala ka nung lunch nung thu?? salamat na lang pala at naunahan ka ni kdr hehehe


  23. @goddess : at isang karangalan din po sa tula ko ang ipost ng isang goddess…

    @utakmunggo : hmm namundok ako sa ilalim ng dagat (labo.)

    @lyzius : whoa alamat. parang ang tanda ko na a hehehe…

    @axel : hehe THANK YOU AXEL!! o ayan, pinasalamatan na kita πŸ˜‰

    @damdam : hehehe nagpauto pala ha… para pala akong pustiso – can’t smile without me hehe


  24. @emoterang nurse : salamat, EN… at pasensya na sa mga panahong nagpabalik balik ka dito ngunit walang dinatnan (naks)

    @shayleigh : sige, ayos yan! see you here sa pinas then…

    @mishell : wooow, katouch naman… salamat po, maraming salamat for always being there kahit hindi kita din kilala…

    @beatrice : haha nakakatuwa kayo ni mishell… ooops, sacred ang salitang yan…

    @chroneicon : tado!! haha suntukan na lang!!


  25. @canadianpinay : wow, ikaw din, welcome back!!

    @greenpinoy : salamat jason!!

    @napundingalitaptap : ang haba ng comment, lalo ako natouch.. ikaw din naman lalo, talentadong blogger…

    @beero : ayos! kita kits sa EHeads reunion concert!!


  26. @kdr : korek! if you're with LH&co.; you can't go wrong!! salamat ulit pare…

    @popoy : wow, napadaan ka ulit mr. inosentes!! kahit wala ako sa roll mo hehehe


  27. Yehey!! Na mention na rin ako… Hehehe…



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: