h1

Habang nanonood ng ‘pet show’ sa T.V.

March 5, 2008

“Chamcham” ang ngalan mo
isang uri ng pet dog
na ang lahi’y tinatawag nilang
chow-chow

at aliw na aliw
ang mga T.V. hosts
habang iniinterbyu
ang sikat na personalidad
na nag-aalaga sa iyo…

oo, maging ako’y naaliw,
habang pinapanood kita
at nakikita ko
habang ika’y pinapakain
ng dalawang lata ng Spam
bilang agahan;

at naririnig ko
ang mga halaga ng iyong
Pedigree, Alpo, at iba pa…

nakakahanga,
na ang dog house mo pala’y
air-conditioned din
at linggu-linggo’y
dinadalaw ka
ng sarili mong beterinaryo…

nakatutuwa,
habang ipinapamalas mo
na kaya mong
umikot, umupo, tumahol;
at kaya mo ring
lumundag, maglaro, matulog…

gusto ko pa sanang ika’y panoorin
ngunit isinarado nani Aling Tessie
ang kanilang bintana
nang makitang may isang pulubing
nakikisilip
sa kanilang telebisyon.

…umuwi na lamang ako
at muli kong tinutop
ang sikmura kong walang laman,

walang laman.

Advertisements

2 comments

  1. grabe galing ng pangil ng mga tula mo….la ako masabi. p

    post mo din naman dito ung mga tula mo nung college pa.lalo ung “sunset rhymes” at “odium”… those poems really marked.


  2. syet. ang tindi ng kabog sa last line… galing mo pala lethal!! hndi ka lang comic, malalim na tao ka din pala..



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: