Archive for March, 2008

h1

ang bagyo’y naisisilid pala sa bote

March 26, 2008

ano bang meron
sa mga botelyang plastik
na matiyaga mong inaasam
hinahanap,
diyan sa esterong maputik
sa gitna ng nagngangalit na bagyo,
naghuhumiyaw na hangin,
at kutya ng mga nandidiring mata?

ang mga iyan ba’y iyong hahabiin
upang gawing palamuti
sa hapis mong katawan
kasama ng disenyo nitong
grasa at lupa?

o iya’y lilikhain mong
isang magarbong arko
na magsasalba sa’yo
sa dumarating na unos
na ikaw lamang ang siyang nakaaalam?

sabihin mo sa akin,
ilang kilong mga botelya pa ba
ang ‘yong kailangang tipunin
upang sumapat na kapalit
ng ilang butil na kanin
at tira-tirang ulam
na kagyat mong pampawi
sa nalulusaw mong sikmura?

hindi ka na ba naaawa
sa iyong sarili
o nakararamdam ng pagod man lamang,
upang ang bagyong ito’y iyong suungin
mapulot lamang ang isang botelyang
naghihintay sa’yo
sa gitna ng kalsada?

o marahil ay lumuluha kang talaga:
ngunit ang mga luha mong
dapat sana’y lilinis sa mapait mong kalooban
ay inanod na din
ng mga patak ng ulan,
kasama
ang hibla
ng nalalabi mong pag-asa?

…at pagdating ng bukas
kung saan tapos na ang iyong unos,
ay iaalay ko ang tulang ito
tungkol sa iyong naging buhay
na inukit, itinakda
ng malaman mong

ang bagyo’y
naisisilid pala sa bote.

*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 08.09.07

h1

to the man who lost the world

March 23, 2008

yours is a tale written
on a wretched fallacy,
a brain as trivial as a myth,
and a future as dark as a nightmare…

and your impulsive laughter,
rapid anger,
sudden tears,
and futile monologues
all but reflect
your head:

hollow as your starving stomach,
pathetic as your decaying life.

and since you own your own world
and your thoughts are distinct;
we chose to neglect
that beneath your filthy clothes
and sullied fantasies
lies a man…

a man who breathes this same air
and plays this same game called life…

we chose to ignore
the burning pains
of hunger
suffering,
abandonment,
misery,
and hopelessness…
all rewarded to you
by your curse
we chose to name “abnormality”……

and a question that now haunts me:
“is it a blessing for us to be sane,
able to think and shape our fate?;

OR you are more blessed
for you’re immune
to the cruelties of life,
free to act and curse your fate?”

then I envy your soul,
your withered name,
and abandoned hopes;
realizing,
that you only struggled to live,

unlike us,
who lived to struggle…

*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 09.15.06

h1

ang alamat ni zeny

March 18, 2008

maliban sa “zeny” ang tatak ng gitara, walang kinalaman ang titulo sa blog. naisip ko lang yan dahil wala akong maisip. sabagay, kilala naman ako bilang mahina sa pagbibigay ng angkop na pamagat ng aking sinusulat, kahit tula pa ito o vandalism sa poste namin sa bulacan.

anyway, gusto ko lang isulat sa kasaysayan ko na mayroon na akong bagong gitara – makalipas ang mahigit sampung taon (for more info about my aged, battle-scarred, more-than-a-decade-old guitar, click here and nothing will happen).

narito na siya:

sariwang-sariwa:

yup, nakakatayo na syang mag-isa:

ang malupet na tagasabi kung nasa tono pa ba ako o hindi:

…syempre, may sampol ng quality ng sounds nya, if pangit man ang lumabas, blame it on me hehe (playing “intro medley no. 4”):

…salamat kay sarah sa pagpapakilala kay Zeny Bandilla, ang itinuturing na isa sa pinaka dabest na local guitar manufacturer sa balat ng pilipinas.

h1

sa batang nagtitinda ng diyaryo sa EDSA

March 14, 2008

sa pagbagal ng aming sinasakya’y
di naiwasang panoorin ko
ang kahanga-hanga mong kakayahan
at liksi
habang tinatawid mo
ang kalsadang ito
na nagsilbing iyong tahanan
at paraiso
ng iyong mga
kalakal na tabloid at
broadsheets…

kinain na ba ng gutom
ang iyong takot
kung kaya’t di mo alintana
ang mga panganib
na alay
ng mga de-bakal na hayop
na humahabi sa kalsadang ito?

o ang takot mo’y binulag na
ng sarili mong damdamin
na itinakwil ang sarili mong
mga pangarap;
kung kaya’t ang kamataya’y
isang matamis na ring palamuti
sa buhay mong
ni ga-hiblang kulay
ay wala ng mabanaag?

NGUNIT sa di sinasadyang paglingon mo
sa aking kinaroroonan,
ay nasilip ko
na sa likod
ng mga humpak mong pisngi
at yayat na katawa’y
naririyan pa rin
ang iyong nasa
na may mailaman man lamang
sa inaagnas mong sikmura.

NGUNIT patawad,
ang barya ko’y di rin naman sapat
upang makabili man lamang
ng kahit isang dahon
ng iyong mga kalakal…

kaya’t ihahatid na lamang kita ng tanaw
habang muli kang pumalaot
at sumayaw
sa muling pagtakbo
ng aming mga sasakyan…

AT hindi na rin ako magugulat
na sa mga darating na bukas
ay datnan kitang
muling nakapalaot
…ngunit sa pagkakataong iyon
ay ikaw na ang nasa ilalim ng
iyong mga paninda
habang nakabulagta sa iyong paraiso

at GANAP nang IISA
ang IKAW
at ang itinitinda mong mga DIYARYO…

*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 06.01.06
h1

shaved cut

March 14, 2008

haha hindi ko alam kung ano iisipin ko ng makita ko ang menu na ito sa isang kainan sa The Columns na itatago ko na lang sa pangalang “Earle’s”:

baka naman kailangan lang tagalugin para mas maintindihan? 😀

h1

weeworld

March 12, 2008

ganito ka “cool” ang titser anne namin… ito ang isa sa mga tinuturo nya, ang paggawa ng weemee.

sinubukan ko, at nag-enjoy ako hehe…

etong itsura ko sa cartoons:

si titser anne:

si olive:

si jolly O:

try nyo!

http://www.weeworld.com/

h1

something scary

March 10, 2008

I saw something scary (really scary) earlier this afternoon and tried if it can be captured on film.

…it was.

Yet as a forewarning, this video is not intended for the chicken hearted.

You’ve been warned.

 

If you are interested in “abnormal phenoms” like this, drop me a comment. Will try to answer your questions/concerns to the best I can.

…although I’m not really an expert in the paranormals.