h1

pagkat hindi ko hiningi ang lahat ng ito

August 6, 2009

hindi ko hiningi ang lahat ng ito…
kaya’t huwag mong ilahad ang anuman sa aking paanan;

huwag sabihing di ako malilimutan
at palagiang mananatili sa isipan,

huwag ibulong na ihahabi mo ang aking ngalan
sa mga hibla ng iyong puso’t isipan,

huwag tipahin sa piyano ang awit ng pagsinta
habang ako’y katabi’t ikaw ay pinakikinggan,

huwag ubusin ang ‘yong maghapong yakap ako
habang dumaraan sa labas ang tag-ulan,

huwag haplusin ang aking pisngi
habang ako’y natutulog sa’yong kandungan,

huwag hawiin ang buhok na humarang saking mata
sa kagustuhang mukha ko’y buo mong masilayan,

huwag akong bigyan ng mga ngiti sa labi
o alayan ng matatamis na kasiyahan…

huwag mangako ng walang-humpay na tag-araw
at mga gabing binalot ng maliwanag na buwan,

huwag mong pintahan ng ‘yong pag-ibig
ang aking pintuan at mga durungawan…

pagkat hindi ko hiningi ang lahat ng ito,
kaya’t huwag mong ilahad ang anuman sa aking paanan
…hinayaan sanang ako ang mag-alay ng lahat ng mga iyan
para sa iyo,

kapalit ng mga oras na kapiling ka.

at para sa ‘yong pag-ibig na di na maibabalik.

*salvaged from 2005-2006 drafts

h1

dalawa.

July 13, 2009

bakit kailangang ibalik
ang itinapon na’t
inakalang hindi na makikitang muli?

kung ang taludtod na itinapon kahapon
ay muli rin lamang babalikan,
ano pa ang saysay ng paglalapat ng tuldok
sa katapusan ng mga talata?

siguro’y sadyang may pag-ibig
na hindi mababali at di kayang iwanan
gaya ng di mapigil na paghinga
habang nasa ilalim ng tubig
at nalulunod;
na magiging sanhi rin lamang
ng kagyat na kamatayan.

h1

tribute to the lashingheroes

April 6, 2009

Ang bilis ng taon.

Ang daming mga nangyari mula ng magkasama-sama kaming apat (kasama sina chroneicon, gasoline dude, greenpinoy)  sa isang inuman sa Roxas Blvd. noong nakaraang taon. Sa harapan ng San Mig Light (oo, wala na silang Red Horse nang dumating kami), ilang stick ng barbeque, palitan ng kuwento tungkol sa photoshoot sa Intramuros, bagong kamera ni Gasul, mga kalokohan noong kabataan, palitan ng mga korni dyoks, kuwentong trabaho, kantahan sa may Malvar, ang required na “bakit ka nag-blog?”, etc. ay nabuo ang isang barkadahang sino naman ang mag-aakalang lalalim hanggang tuluyang lumawig pa.

Wala akong balak magblog ngayon, anupat marami sa mga sinusulat ko ay sinarili ko na lamang at hindi ninais ilathala sa pansariling kadahilanan. Ngunit hindi ko palalagpasin ang isang pag-alala sa unang araw ng pagsasama-sama naming apat – sa mga nakakakilala sa amin, alam ninyo ang sumunod na mga kuwento. At tunay na nagpapasalamat ako’t nahanap ko ang nawawalang kapares ng medyas ko noong gabing iyon – dahil kung hindi ay malamang na hindi ako sumipot sa anyaya ni GP.

Ano nga bang meron ang lashingheroes na tuluyang lumaki bilang greenpinoy family?

WALA. Wala ka nang hahanapin pa. Sa nakalipas na taong pagsasama-sama ay naririyan siyempre ang mga tawanan, pranks at kalokohan. Nasaksihan ang mga kuwentong sasakupin ang lahat ng channels ng ligal na cable subscription – ang ups and downs na pinagsaluhan natin ika nga.

Para sa tatlo kong kasama sa lashingheroes at sa buong greenpinoy family : ’sang tagay para sa mas mahaba pang panahon ng pagkakaibigan at pagtahi ng mga kuwentong dadalhin natin hanggang sa pagtanda.

lashingheroeswannabes

teka, mali yata ang picture na na-upload ko…

lashingheroes

At oo, namimiss ka na namin gasul…

sipampoyto

…at parang mali na naman ako ng na-upload. eto pala:

gasul

cheers!

h1

dahil may mga bagay na ‘di kayang sukatin…

March 5, 2009

may mga ngiting sumisilip
sa pagitan ng mga letra
at tugmang
sininop, inipon
sa lugar na ito
na kung tawagi’y blogosperyo.

nagpapasalamat
sa mga nangahas dumaan, bumasa
at mag-iwan ng marka
sa likod ng mga akda’t
napudpod na daliri.

sangtaong nagdaan.

mabibilang ang mga araw
ngunit hindi ang mga pagkakaibigang
nakilala’t minahal.

tulad nila. tulad mo.

at bagamat kulang ang katagang ito,

salamat.

 

OCADSFKNAOC’DGNLSAEGOHNDS…

*****

Kahapon, March 4, pa ang anibersaryo nitong aking blog na nagsimula noon sa blogspot na naging datkom nitong nakaraang Setyembre lamang. Ngunit dahil sa hindi umayon ang aking WP dashboard ay ngayon ko lamang ito nailathala. Muli, maraming salamat sa mga tumangkilik, lalo na sa mga kaibigang nakilala ko mula dito.

At di gaya ng mga naunang tula, ITO ANG TULANG KAYO ANG SUMULAT.

xoxo

h1

return to apo reef

February 23, 2009

lethalverses_aporeef1

It’s been two years since I first visited Apo Reef with the spongklongs and former chevron officemates.

At dahil bitin ako, nag-organize ako ng isa pang trip sa nasabing lugar. Kasama ang mga bloggers na sina axel, ayz, greenpinoy, kuletz; mga kabarkadang sina mark, bob, mike, arson at mga kaopisinang sina atea, ioni at butch; bumalik ako sa sanktwaryo at paraisong Apo Reef Island na matatagpuan sa Occidental Mindoro.

Kahit inabot kami ng mahigit sampung oras sa biyahe (2.5 hours from Makati to Batangas Pier, 3 hours sa barko from Batangas Pier to Abra de Ilog Pier, Mindoro, 3 hours from Abra de Ilog to Sablayan town via van at 2.5 hours from Sablayan town to Apo Reef Island via private boat) sobrang sulit ang pagod dahil sa kagandahan ng isla.

Hindi gaya ng pangkaraniwang mga bitches err beaches, ito ay isang untouched island na walang hotel at walang ibang tourists maliban sa grupo namin. Kagaya ng nakaraang trip ko sa Anawangin Island, camping style lang ulit kami ala Survivor. Siyempre pa, nag-enjoy ang lahat sa dolphins, pawikan, sharks, manta rays, at iba-iba pang mga marine fishes habang nagi-snorkel.

Maraming salamat sa mga tumulong sa akin upang maging successful ang trip na ito – kay Honorable Rod sa paghahanap ng mga dabest contact persons para sa amin, kay Chairman Medel ng Tourism Board sa walang kapagurang pagsuporta sa aking mga trips sa nasabing lugar, kay boss tsip Leslie na nagtiyaga sa paghintay at pagsalubong sa aming grupo at siyempre, lalung-lalo na sa mga tour guide namin na sina Bossing Rick at Madam Rhea – ang pinakadabest na tour guides sa balat ng Mindoro.

On our way to Abra de Ilog from Batangas Pier via Montenegro Ferry with Bob and Butch (oo, siyempre sisingit pa din si Kuletz):lethalverses_aporeef2

stop over ng madaling araw sa isang palengke sa mindoro para kumain ng goto at magpapiktyur ulit…lethalverses_aporeef15

finally arrived!!! and I’m marking the territory hehe…lethalverses_aporeef4

preparing the tent… just beside the beach and under the shades of coconut and talisay trees…lethalverses_aporeef7

isa lang ang paraan if conflict happens sa tent territories (no fishes were harmed on the making of this picture)… lethalverses_aporeef14

the clear, blue water and fine white beach viewed from top of the lighthouse…lethalverses_aporeef3

view of the inner lagoon and mangrove forest from the lighthouse pa rin (DISCLAIMER : this is not an emo shot hehe)lethalverses_aporeef9
 
 

 

lethalverses_aporeef10

tambay sa relaxing, scenic lagoon with kuletz and axel…lethalverses_aporeef5

lethalverses_aporeef12

siyempre, hindi mawawala ang inuman, kuwentuhan at kantahan (hindi naman bigay na bigay si arson hahaha)…lethalverses_aporeef8

to the mangrove forest!!!lethalverses_aporeef11

at kahit hirap na hirap si GP pasukin ang loob ng mangroves…lethalverses_aporeef12

game pa rin para lamang sa pictorials gaya nito:lethalverses_aporeef13

Muli, salamat sa mga kasama kong nagtulong-tulong upang maging masaya ang 3 days – two nights camping experience na ito…

…isang espesyal na pasasalamat sa kasamahan ko sa mountaineering na si Chino na naging malaking bahagi sa aking pagpaplano ng lakad na ito. Umuwi ka na dito sa ‘pinas pre at marami pang mga bundok na naghihintay sa ating apat nina Bobi at Noker.

more pictures of our trip here –> http://aposnorkelingsociety.multiply.com/

HANGGANG SA UULITIN!!!

h1

rekyem

February 12, 2009

huwag mong suungin
ang eskinitang
ilang kahapon na
ang dumaan.

huwag awitin
ang mga kantang
sininta,
ngunit nilusaw
sa limot.

huwag ihatid ang sarili
sa pag-alala
sa nakaraang
nagumon sa kandungan
ng pagtanggi.

aanhin mo ang mangarap,
kung maging ang panaginip
ay tapos na?

 aanhin mo ang malumbay,
sa pagkakamaling
maging sepulturero’y
di kayang ilibing?

 

oo, babangon ka.
ngunit hanggang kailan
malalabanan
ang tawag
ng kandungan ng muling pagtulog?

h1

10 RANDOM STORIES ABOUT ME (tagged)

February 2, 2009

Dahil sa ni-tag ako ni idol badoodles at sakto namang wala sa mga naisulat ko ang ninais kong ilathala, naririto ang random 10 stories na nangyari sakin. At bilang pagpapatuloy sa magandang ideya ni badoodles, SIYAM lamang sa sampung kuwentong naririto ang totoong nangyari sa akin, habang ISA ang kuwentong kutsero lamang.

1. Noong nag-audit ako sa isang kilalang siyudad sa kabisayaan na itatago ko sa pangalang CEBU CITY, krass na krass ko ang isang front desk sa hotel na tinirhan ng team ko noon. At dahil inabot ako ng halos isang buwan doon sa hotel, namumukhaan na rin ako ng krass ko kahit paano. Laking tuwa ko ng makasabay ko sa elevator ang krass kong ito isang araw, at kakausapin ko na sana siya nang bigla akong mautot – ng mabaho. Damn camote fries. Ngumiti na lamang ako at tumingin sa maganda niyang mukha na dahan-dahang nagiging green at ngumiti.

2. NPT. Noong umuuwi pa ako araw-araw sa Baliuag, Bulacan, kadalasang mahimbing ang nagiging pagtulog ko sa bus na inaabot din ng dalawang oras kada biyahe. Isang umaga, ginising ako ng konduktor dahil malapit na ako sa bababaan ko sa Buendia – ngunit naramdaman kong naka flag ceremony na naman pala ang aking dayunyor – at totoo namang obvious na nakabukol ito sa aking harapan dahil naka long sleeve polo pa ako noon na nakatuck naman sa sedang pantalon ko. LESSON LEARNED : Shame-saving kahit paano ang necktie na suot – konting adjust lamang pahaba at kahit paano’y nagiging diversion na ito upang hindi maging kapuna-puna ang nakabukol na dayunyor.

3. Naka jebs na ako sa LAHAT ng south-bound lane inidoro CRs ng MRT mula North Avenue hanggang Ayala station. At nakalibreng jebs na din ako sa Edsa Shangri-La hotel – at sa lote ng parking space sa may likod ng Park Square (dahil out of order daw ang pinakamalapit na CR hehehe)

 4. Naging local campus model ako ng Penshoppe sa Bulacan noong high school pa ako. At oo, doon ko nakasama ang naging gelpren ko na naging ex din kinalaunan – at ito din ang dahilan kung bakit karamihan ng mga damit ko ay Penshoppe – dahil di kailangang maging magastos para pumorma. For anything else, there’s Mastercard. 

 5. Kagaya din ni idol badoods, hindi ako marunong manligaw. Ang alam ko ding panliligaw ay iyong pakyut, at magigising na lang na mag”on” na kayo ng chikababes – dahil ang pag-ibig ay hindi kinakailangang maghintay. OO, hindi ito kuwento at maaaring isiping isang facts gaya ng nauna ko nang lathala dito; ngunit may kadahilanan ang pagsama ko ng katotohanang yan.

6. Inatake sa puso ang isa kong professor sa kolehiyo noong 1st year pa lamang ako dahil sa aking kakulitan. At ang masama pa doon, tumatawa pa kami ng mga barkada ko sa likod at walang kamalay-malay na inaatake na pala sa puso ang butihin kong guro.

7. Marami na akong mga trip/pranks na nagawa. Pero ang pinakamalupit na nagawa ko (bago ko makasama ang mga greenies) ay nang magpanggap akong nakatulog habang nakaupo sa elevator ng isang hotel sa isang siyudad sa Southern Mindanao na itatago ko naman sa pangalang GenSan – habang nakabarong at shorts …at may suot na shower cap.

8. Nakarating ako sa finals ngunit natalo sa Super Quiz Bowl dahil nadistract ako sa chikababes na kalahok na nasa aking harapan – na sa hindi maintindihang pagkakataon ay nakalilis ang palda ng school uniform at lantad ang makinis at maputi niyang kaliwang binti. Ilang mga tanong ang hindi ko nadinig dahil maging mga tainga ko’y nag auto switch mode at nagevolve na maging mga mata na rin sa pagnanais na pagmasdan ang legs na nakahain.

 9. Mga ilang beses na din akong lumabas sa telebisyon. Nitong nakaraang araw nga lamang ay lumabas ako sa telebisyon habang napadaan sa Appliance Center ng SM.

10. Muntik na akong mabugbog ng mga taga MMDA ilang taon na ang nakalilipas habang nakapila pauwi sa terminal ng FX. May suki akong lolang sidewalk vendor na hindi agad nakatakbo sa mga dumarating na kawatan taga MMDA. Kitang-kita ko nang habulin ito ng isang may kalakihang buwaya na tumulak sa kawawang lola at naging dahilan ng pagkadapa ng huli. Para akong si Bruce Banner na hindi nacontain ang rage at tila Incredible Hulk na sumugod at nanulak sa kawatan. Huli na nang maisip kong marami pala ang mga kasama nito na may mga hawak pang yantok – mabuti na lamang at sumaklolo din ang iba pang mga Avengers, este, nakapila sa FX at naDAMDAM ang mga loko-lokong MMDA.

 

..bahala na kayong hulaan kung alin diyan ang kuwentong kutsero. At napag-usapan din lamang ang kuwentong kutsero,  hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang mga larawan ng pinakahuli kong trip nitong nakaraang Linggo, February 1, 2009 kasama si damdam at chroneicon.

Simple lang ang prank namin, ang magDRIVE THRU sa jollibee sakay ng KALESA. Nakakatuwa pa ring tingnan ang mga taong gulat na gulat, lalo na ang mga taga jollibee mismo, nang makita ang kalesang sinasakyan namin sa drive thru area:

 

Habang nakapila sa Jollibee drive-thru (at titig na titig sa amin ang mga sakay ng sinusundan naming CRV): 

02012009193

 

020120091941

 

020120091951

 

May bagong career na si chie!! Ang mangisda ng kabayo!!

020120091961

 

Salamat sa Jollibee TM Kalaw – Luneta Branch sa pagpayag na kami’y makaorder…

020120091971

 

At siyempre pa, sa game na game na kutsero at ang kaniyang cam whore horse.

020120091981

 

Itatag ko dito ang mga sumusunod (ang mga huli kong nakasamang bloggers nitong nakaraang enero 2009):

axel, chroneicon, damdam,  mariano, popoy, jeck, ayzprincesskuletz, jbee, billy, en-ey, gp, kirk, efbee, cyberlowla, dudan, kdr, leyn, pb, pedro (oo, sana buhayin mo ulit ang blog mo), saminella

 

h1

the concept of falling

January 27, 2009

Although I have written five poems and two essays since my last post, I chose to repost this poem from my old folio at emanilapoetry.com.

And yes, the reason is obvious. That old saying about lightning is mere profanity.

 

I’ve seen this road before
…a road of polished bricks
and dreamy songs.

a walk so lovely you’ll never feel
your feet
touching the grounds
…as if walking on a cottony cloud:
so wonderful,
yet too ephemeral.

a path so grandiose you’ll think
they are not made
to be earthly
…as if they’re meant for Zion and Narnia:
so majestic,
yet too tall.

but I should never let myself
be captured by its beauty
for although I can look and
free to start my trek:

I dare NOT.

because it is too splendid

…and I am just a MORTAL.

 

*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 05.11.2007

h1

kung bakit nanganganak ng umaga ang bawat gabi

December 23, 2008

 

Paumanhin sa mga nagkumento sa tula kong ito. Sa isang kadahilanan, aksidente kong nabura ang lahat ng comments na inilagay ninyo sa pinakahuli kong lathalang ito.

 

 

may bahid man ng siphayo

ang gabing lumatag

sa iyong bintana

na kinubli ang araw

at itinakwil ang mga bituing

disin-sana’y karamay mo

sa paggalugad ng iyong landas sa kanayunan,

 

ay pakatandaan mong

sa iyong pagtulog-paggising

ay may bukang-liwayway

na sisibol

sa silangan

 

at ang liwanag

na kahapo’y tinuring na nakapapaso

ay magbabalik

sa iyong durungawan

upang sa iyong pagbangon

ay may datnan kang tanglaw

sa iyong landasin.

 

 

pahirin mo

ang natuyong luha ng gabing nagdaan

at tuntunin ang naiwang hakbang,

pulutin ang sarili

at magbalik;

gaya ng pagsilang ng umaga

sa tuwing pagtatapos ng gabi.

 

 

 

 

*tula para sa isang kaibigan na dinatnan man ng gabi ay natitiyak kong may mas mahabang umagang naghihintay sa kaniyang paggising.

h1

post verses for a starbuck’s cup

December 16, 2008

 post_verses_for_a_starbucks_cup

 

AND as I remember

the bench,

its mornings

and falling rain,

I couldn’t help but painfully smile

and recall the cups

of coffees and memories

we used to sip…

 

especially the last cup

on that fateful

day

when we both silently admitted

that all these should end

even without the need

to say our GOODBYES.

 

so I’ll write why

there’s no farewell needed

on that day:

it’s because though we may have been together,

our tomorrows are not,

decisively awaiting

that day

when we sat down

on that bench

with our cup of frappe,

our smiles,

our stories,

just like many times before…

the only difference

is that there will be

no next cup

and bench to share.

 

NOW that you’re back

and as I look at your familiar face,

listen to your voice,

and stare at your smile,

I couldn’t help

but write this finale

to the poem written

more than two years ago

about the last cup

of caffeine booze

and whipped cream…

 

for though yes, you might be back,

but you haven’t returned,

and the bench stays there

waiting for a new cup

…and my new beginning.

 

 

h1

balada sa pagkain

November 26, 2008

tulala.
nakatitig sa kalderong
nagkakanlong sa ’sang salop na bigas
at isa’t kalahating pananabik;
nililibang ang sarili
sa pagmamasid
sa nagbabadyang singaw
ng mainit na awit,
na likha
ng nakadadarang na parikit.

ilabas na ang mamantikang ulam
at kolesterol
na bumabalot sa puso,
nagtatangkang ikubli ito
sa sulsol ng isip
at mapalinlang na nasa.

panandalian akong mapapangiti
habang hinahango
ang mga butil ng kanin
na sasabawan ng sebo
at pamaluting karne.

mainit ang sinaing
at masarap ang ulam,
ngunit may bigat ang kubyertos
at may hadlang sa lalamunan
habang mag-isang kumakain.

h1

pakipunasan ang tumulo kong laway

November 19, 2008

Noong bata pa akong kasalukuyan pa lamang nag-aaral mag puta pluta (flute, utang na loob!!!), madalas ay nagugulat ako sa sarili ko dahil sa biglaang pagtulo ng masagana, mahaba, malagkit, (enough of the adjectives) kong LAWAY.  Inakala kong bukod sa pagtugtog ng pluta, mahimbing na pagtulog at pagtingin sa larawan nina Anne Curtis, Iwa Moto, Katrina Halili (mauubos ang karakter ng paglathala sa blog kung kukumpletuhin ko ang listahang ito) ay wala ng iba pang makapagpapatulo ng aking laway.

Ngunit dahil sa kakulitan nitong kaibigan kong si greenpinoy, napatunayan kong mali ako.

Bakit? Panoorin niyo ‘to:

nikewindrunner

Seryosong pinag-iisipan ko na kung tuluyang tatanggapin ko na ang sandamakmak na alok upang pasukin ang industriya ng pag-aartista makabili lamang ng ganito.

 

…bonus na lamang na maituturing kung sino man sa mga nauna ko nang nabanggit sa itaas ang magiging leading lady ko.

h1

Walang Kinalaman Ang Post Na Ito Sa Aking Kaarawan.

November 15, 2008

 yesthereisahiddenmessagetothispost

Marahan akong gumapang sa makinis at mayamang lupaing yaon na tila ba kahit mga anghel ay mangingiming galugarin.

*******

PAGBABALIK-TANAW walong araw na ang nakalilipas, ika-pito ng Nobyembre taong kasalukuyan. Walong minuto makalipas ang alas kuwatro ng hapon.

Nakatanggap ako ng isang text message. Parating na raw siya sa aking kinatatayuan – ang napagkasunduang tagpuan namin ng araw na iyon.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ngunit tila ba biglang may humabol sa aking mga paghinga. Ang kanina’y mapayapang tibok ng aking puso ay nasasalitan na ngayon ng mga pagkabog ng isang tambol. Bigla ring nanuyo ang aking lalamunan na humihinging bigla ng panaka-nakang pagdilig mula sa nahiyang mga laway na humirap lunukin.

Sa wakas, natanaw ko na siya.

*******

KASALUKUYANG PANAHON. Ika-15 ng Nobyembre taong kasalukuyan.

Kaarawan ko na. Happy Birthday sa akin. At oo, beinte otso anyos na ako.

At oo rin, mali nga ang pamagat ng aking artikulo ngayon… Haberdey ko naman, hayaan niyo nang magkamali ako hehehe…

kampayan na!

xoxo.

h1

NDEs.

November 3, 2008

*******
Summer 1994. Bustos Dam, Bulacan.

Lima kaming magkakabarkadang dala ng kabataan ay tinatawag namin ang aming mga sariling “daredevils”. Gawi na namin ang lundagin ang reservoir ng Bustos Dam na may taas na humigit-kumulang tatlumpung talampakan (30 feet) mula sa aming “jump-off point” patungo sa tubig nito, na may lalim namang ayon sa iba ay nasa 50-80 feet.

Nauna na noon si Ruel (hindi tunay na pangalan, pagkat ang tunay niyang pangalan ay Ruel Vergel de Dios – na maaaring hindi pa rin niya tunay na pangalan) sa paglundag sa tubig. Hindi pa man sumusulpot ang ulo niya sa tubig ay lumundag na rin ako. [insert Indiana Jones soundtrack here]

BLAG! Sa hindi ko matandaang pangyayari, tumama ang ulo ko sa balikat ni Ruel pagbagsak ko sa tubig. Hindi mo na kailangang maging physicist upang kalkulahin ang collision force at sabihing malakas nga ang impact na tinamo ng aking ulo (sige na nga, nasaktan na din si Ruel).

Agad akong nawalan ng malay pagbulusok ko sa tubig. Ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay ay naaaninag ko pa ang maputlang paa ng barkada ko habang mabilis akong pumapailalim sa madilim na tubig – hanggang tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.

PARANG si Mark Wahlberg naman sa pelikulang Max Payne, nagising ako sa ilalim ng tubig habang nadarama kong unti-unti na akong hinihigop ng “intake” ng dam (ayon sa aking mga naririnig noong kabataan ko, maraming mga hayop at maging tao ang namamatay dito sa intake na nagmimistulang suction ng tubig papuntang penstock at turbine ng dam – anupat kapag tuluyan ka na raw napalapit sa intake ay hindi mo na makakayanang lumangoy papalayo sa kalakasan ng paghigop nito). Bagamat madilim ang ilalim ng tubig at natatandaan ko pang parang binibiyak ang ulo ko sa taas ng pressure ng tubig at marahil na rin dahil sa pinsalang inabot ko sa pagkakabagok ng ulo ay milagrong nakayanan ko pang piliting makawala sa lumalakas na paghigop ng tubig pailalim – salamat sa isang tila bakal na nakausli sa pader ng dam na milagro ulit na nahawakan ng aking kamay – hanggang tuluyan na akong makalangoy pabalik sa itaas ng tubig. Hinang-hina, masakit ang ulo, humahabol sa paghinga ngunit cute buhay pa rin.

Inabutan kong nagiiyakan na ang aking mga kabarkada dahil hindi na nila ako nahabol sa ilalim ng tubig at inakala nilang ‘yun na ang katapusan ng aking maalamat na pakikipagsalaparan sa ibabaw ng tubig, este, ng mundo.

At kinilabutan ako ng sabihin nilang mahigit limang minuto na raw ako sa ilalim ng tubig mula ng aking pagkakabagok at pagkawala ng malay.

*******
August 2003. Public van bound to Baliuag from Cubao, North Luzon Expressway.

“Mga kaibigan, ‘wag ho kayong magpapanik, holdap ho ito.”

Ito ang isa sa mga katagang hanggang ngayon ay parang recorded mp3 sa utak ko na tuwing maaalala ko’y kayang-kaya kong iplayback sa aking pandinig. At tandang-tanda ko pa ang baril (na hindi ko nalaman kung tunay nga ba o Shaider collectibles lamang) na hawak ng isa sa kanila.

Gabi noon. Galing ako sa isang out of town audit assignment kaya’t masyado akong ginabi ng uwi (buset na PAL yan, lagi kasing delayed) papuntang Bulacan. Nakaupo ako sa jump seat ng van katabi ng pintuan ng magdeklara ng holdap ang tatlong kalalakihang inakala naming kapuwa namin pasahero. Ang isa’y nakaupo sa mismong harapan ko (sa likuran ng driver na three-seater na nakapaharap sa aming mga pasahero sa loob), ang isa’y katabi mismo ng driver at ang ang isa’y nasa backseat sa gawing likuran (enggg department op redundancy department).

Inanunsiyo nilang hindi raw kami sasaktan basta’t ilalagay namin ang aming mga selpown, alahas at pitaka sa inaabot nilang duffel bag. May mga pasaherong dinig mo ang paghikbi, habang karamihan sa amin ay tila natulala sa kabiglaanan. Nang iabot na ng holdaper sa harapan ko ang duffel bag upang ilagay na namin ang kanilang mga pinagiinteresan, wala akong nagawa kundi ang bunutin ang aking peyk na girbaud wallet at 6600 na selpown (wala yata akong suot na relos noong pagkakataong iyon) habang ganoon din ang ginagawa ng aking mga katabi. Ngunit tiyempo namang nang ilalaglag ko na ang aking selpown at pitaka sa bag ng holdaper ay bigla siyang nag-alis ng tingin at lumingon sa kasamahan niyang nasa tabi ng drayber – na naghudyat sa akin upang lakas-loob na sa halip na sa bag niya ilaglag ang aking mga gamit ay sa bukas na paper bag ng aking katabi ko ito ihinulog.

Dahil sa kasagsagan at tensiyon ng mga pangyayari ay hindi niya ito napansin nang muli siyang humarap sa amin. Aaminin kong bahagyang napapangiti ako nang mga panahong iyon habang iniisip na “ungas ka, naisahan kita!“.

Nagpatuloy pa ang kanilang pangungulimbat sa iba pang mga pasahero hanggang makarating na kami ng Sta Rita exit kung saan pumara na ang mga holdaper.

NGUNIT bago bumaba ang holdaper na nasa harapan ko’y sinaksak nito ang kaliwang balikat ng lalaking nasa tabi niya. Hindi naman mapanganib na sugat – ngunit marahil ay ginawa nila ito upang lahat kami’y matakot at iwaksi (kung mayroon man) ang pagnanasang habulin sila sa kanilang pagtakas sa kadiliman ng Sta Rita exit.

Hindi mo na rin kailangang maging psychologist upang ipaliwanag kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon ng gabing iyon ay natakot ako. Naitanong ko sa aking sarili na kung sakaling nahuli akong nilinlang ko sila ay baka ako na ang inundayan ng saksak or worse, hindi lamang balikat ang ipantatanggap ko ng kanilang mga patalim.

Nakunsensiya rin ako sa lalaking sinaksak na bagamat sumunod sa utos ng holdaper (na hindi gaya kong nagpasaway) ay tinamo pa rin ang ganoong pagmamaltrato.

*******
January 2007. Apo Reef Island, Mindoro Occidental.

Maituturing kong isa sa pinakamagandang lugar ng Pilipinas ang Apo Reef. Kasama ang aking mga kabarkada sa dati kong kumpanyang itatago ko sa pangalang “CVX”, at kasama ko din ang ex kong chikababes na itatago ko naman sa pangalang “EX”; nagovernight kami gamit lamang ang aming mga tent sa secluded island na ‘yun na dahil walang ibang tao ay tila ba kami ang nagmamay-ari ng lugar.

182 kms katimugan ng Puerto Princesa, ang nasabing isla ay kilala sa pinong puting buhangin at dibersidad ng kaniyang flora at fauna. Ito ay itinakdang “protected natural park” and “one of the country’s best natural treasure” as ev… TEKA hindi pala travel and living ang tema ng lathala ko ngayon.

BACK TO REGULAR PROGRAMMING.

Linggo ng Hapon. Uwian time. Bago ka makasakay sa bangkang may kalakihan (20-25 pax na regular na nirerentahan ng mga nagpupunta sa Apo Reef) na maghahatid sa iyo sa isla ng Mindoro, kinakailangan mo munang sumakay sa mas maliit na bangkang pangsundo ng mga gamit (dahil sa hindi makakalapit ng may 100-150 metro mula sa buhanginang pampang ang pangunahing bangka) o kung mas adventurous ka, languyin na lamang ito mula sa pampang (ang huling nabanggit ay hindi nirerekomenda ng tourism office).

Dahil sa malakas ang loob ko at ng iba ko pang mga kasamahan (Pareng Chino, ikaw yata ang pasimuno ng dare na ito hehe), nilangoy na lamang namin – kasama si ex at limang iba pa – ang dagat papuntang bangka. Muli, uulitin ko na may kalakihan ang bangka kaya’t tatlong malalapad na kawayan din ang nagsisilbing base ng katig nito.

Nang ilang dipa na lamang kami sa bangka ay napansin naming bumibilis bigla ang paglapit namin sa bangka – at ang kaninang payapang dagat ay naging tila galit na gelpren na nagaalburoto sa lakas ng mens mga alon, dahilan upang magmistulang palakol na umaangat at bumabagsak ang katig at katawan ng bangka sa bilis na parang dribol sa basketbol ni Paul Artadi.

Muli, hindi mo na kailangang maging ekspert bangker upang marealize na nakamamatay ang pagkakataong ikaw ay aanurin sa ilalim ng katig o sa mismong katawan ng bangka – at bagsakan nito ng buong puwersa at bigat – anupat ang lalim ng dagat sa bahaging iyon ay sapat na upang magtayo ng isang monumento ni Goliath.

Walang magawa ang aming bangkero at ang kaniyang assistant kung hindi ang tulayin ang kanilang katig at tangkaing sagipin kami bago pa kami tuluyang malapit at bagsakan ng bangka. Dahil siguro sa ako ang pinakamataba sa grupo (mass equals more surface area exposed equals more drift?) ng mga naglakas-loob lumangoy ay ako ang naunang tinamaan ng katig sa dibdib bago ito muling umangat, at suwerteng naitulak ko pa ang aking sarili palayo upang tangkaing makabuwelo at maka “timing” ng saktong approach sa bangka.

Tumeykdaistorisyort, naitulak ko pataas sa katig ang aking ex (na himalang natulay niya agad despite the sway-sway) at naisampay ko ang aking kanang kamay at paa sa katig matapos iyon. Sa tantiya ko’y may tatlong beses din akong naihampas ng katig sa dagat ngunit milagrong nanatili akong nakahawak hanggang sa tuluyang makatayo at makatawid sa katig …sampu ng natitira ko pang mga kasamahan.

Rip current. Iyun pala ang dahilan ng aming muntik ng kapahamakan. Kaya’t wala ring magagawa maging ang bangkero kung siya man ay lulundag din sa tubig upang tangkaing sagipin kami.

BUKOD sa mga sugat, mga bukol at mga pasang tinamo namin ay wala na kaming masamang sinapit pa hanggang sa mapayapa na kaming nakabiyahe pabalik ng isla ng Mindoro.

*******
Salamat sa Diyos at buhay pa rin ako. Masasabing ang risk ay tunay namang naririyan nasaan ka man at ano man ang ginagawa mo. Oo, maging sa pagtulog.

Kaya’t huwag nating kalimutang pasalamatan Siya sa bawat umagang nagigising tayo (o sa bawat gabing nagigising ang mga nightshift peeps gaya ko). May ulap man o wala sa langit pagdungaw natin, ipagpasalamat pa rin natin na nakadidilat tayong muli mula sa ating mga pagkakahimbing.

{the following is an inserted part on this post para gawin kong tag ito. I’m tagging yung mga bloggers na madalas kong kasama sa mga lakaran – since mahilig naman tayo sa mga “thank you for sharing sister moments”}

axel
ayz
chie
jason
lowla
dambidambidambidamdam
kuletz
mariano
pampoy
vera
xman

and kahit nde na sya nakakasama lately, ispesyal na tag para kay:

bakod

h1

Kagaya Ng Pagtatagpo Ng Tag-araw At Tag-ulan

October 21, 2008

 

kagaya ng pagtatagpo ng tag-araw at tag-ulan

na totoong mapusok at nakadadarang;

…pumawi sa uhaw ng tigang na bukirin,

lumunod sa nasa ng ilog na humimbing.

 

hindi mo matatanggap ang iyong pagkakamali.

anupa’t tiniyak mo na kilala mo ang sarili

bago pa man matipon ang tapang ng pagpapasiya

na tumuntong sa lupa, at angkinin ang kinilalang SIYA.

 

hindi mo matatanggap na ang SIYA’y naglaho

na ang nakaraa’y napipilas gaya ng kalendaryo;

pagkat batid mong ang tunay na mahalaga lamang

ay ang iyong pandama, hindi ang ‘sang kabiguan

 

at inaasam mong babalik pa ang sandaling iyon

ng pakikipagtalik sa panaginip na inanyuan ng kahapon;

dahil matalino ka’t may desisyong hindi mababali

kahit na puso mo’y nililibak ng sarili mong pighati.

 

kagaya ng pagtatagpo ng tag-araw at tag-ulan

na sa una’y mapusok at nakadadarang;

ngunit panandalian at nagdudumaling maghiwalay

dahil sa pagtuldok ng panahon at pagtatakda ng buhay.

 

 

h1

Of Drenched Clothes And Lonely Chair

October 7, 2008

lightning drew nothing but a glimpse

of your dreary face and shallow eyes

as you watch the wrath of the storm

carelessly aim upon you,

your drenched clothes,

and lonely chair.

 

you tried, yes you tried,

to seek shelter with your cardboard sheet

reminiscent of your last night’s sleep,

but it proved pathetic,

empty.

like your dreams

and tomorrows.

 

 

 

behold, the treason of man

against himself,

for the lesser glory of coins

 

…and the quest to eat;

 

to breathe,

BUT not to live.

 

h1

Samu’t Saring Pranks…

September 29, 2008

 
Katuwaan lamang po ang mga ito, wala po kaming pinahiyang tao o pinagtripan.

…hmmm babawiin ko na lamang pala ang pangalawa. At wala din talaga kaming pinahiya – maliban siguro sa mga sarili namin sa ngalan ng “pure, clean, fun.”

Ang unang video sa ibaba ay ang “trip” namin kasama si mariano, chroneicon, at vera dalawang buwan na ang nakakaraan. Ito ang dare na nauwi sa trip kung saan nagpayong kaming tatlo sa loob ng isang sikat at mataong mall, at magpanggap na “umuulan” sa loob nito. Nahuli lamang ako sa paglathala sapagkat naging abala ako sa iba pang pranks work.

 

or watch this video in youtube :  http://www.youtube.com/watch?v=J-37VBU4Grs

 

At kagaya ng nauna kong lathala tungkol sa ”Burnham Prank” teaser, ang sumusunod na video naman ay ang full video ng nasabing teaser, na inedit naman ni greenpinoy:

or watch this video in youtube : http://www.youtube.com/watch?v=u5dQuBSF-aU

 

…Sa mga nagnanais sumama sa mga sumusunod pang trips gaya nito, mag-iwan lamang ng mensahe o makisali dito: http://greenforums.greenpinoy.com/. Iisa lamang ang hinahanap naming katangian: kayang pigilin ang pagtawa, makulit, at game! (tatlong katangian pala ‘yun)

ENJOY!

h1

Dyak En Poy

September 26, 2008

 
paulit-ulit
ang ginagawa natin
na bagamat batid nating hindi dapat
ay nahahalina,
at nahuhumaling
tayo sa pagpilit.

paulit-ulit
ang katigasan ng ulo
na inuuna ang linlang ng mata
at kasinungalingan ng puso
kahit pa nasasaktan na
at lagi nang humahalik sa pait.

 

…paulit-ulit
kagaya ng nakakuyom na kamao
na kinakain ng nakalatag na palad
na pinipilas ng dalawang daliri
na tinitibag namang muli
ng nakakuyom na kamao.

walang tunay na nanalo
kundi ang lumipas na oras
na nakangiti
habang umaalis
at binubulong sa hangin
kung gaano kahangal maging tao.

h1

Isang Pakikidalamhati, At Pasasalamat.

September 22, 2008

Isang pakikidalamhati sa namayapang ama ng kaibigan kong si Jeri. Gaya ng sinabi ko sa iyo, naghahari ang dalamhati sa akin dahil hindi man lamang ako nagkaroon ng pagkakataong bisitahin siya sa ospital noong siya’y kasama pa natin dito sa lupa.

Nararamdaman ko ang kalungkutan na iyong nararanasan. Bagamat nasasabi nating mas mabuti na din ito para sa kaniya anupat nakatakas na siya sa gapos ng sakit at paghihirap, ay alam kong tunay na lahat tayo’y mangungulila sa kaniyang pagkawala.

Kay tatay Jerry – salamat po sa mahusay na pagpapalaki sa kaibigan kong si Jerilee. Natitiyak kong masaya kang umalis baon ang kaisipang nasa mabuting landas ang iyong anak at ang aming kaibigan.

****

Hindi ko din naiwasang salamining muli ang aking sarili matapos ang pag-uusap namin ni Jeri sa telepono. Maaring hindi ko nga ganap na maiintindihan ang hinagpis na hinaharap ng gaya niya, ngunit nauunawaan ko naman ang pait ng pagkawala ng isang AMA.

LUMAKI AKONG WALANG AMA. Anim na buwan pa lamang ako ng maulila ako sa isang ama; hindi ko naranasan ang kaniyang presensiya na sana’y katuwang ng aking mahal na ina sa paggabay sa aking paglaki, kasama ng nag-iisa kong kapatid.

Natatandaan ko pa na noong ako’y grade 1 pa lamang (at dahil hindi ako dumaan sa nursery o kindergarten, iyon ang masasabing una kong pagharap sa mundo ng nag-iisa), pinapatayo sa harap ng klase ang lahat ng mag-aaral upang magpakilala at magbigay ng mensahe sa kani-kanilang magulang. Nang ako na ang magsasalita, ang nasabi ko lamang ay “Mama, mahal na mahal ko po kayo… at Papa, sana nakilala po kita…”

Hindi ako nagpapaka-emo ng sabihin ko iyon, pero iyon ang tunay na nadama ko matapos marinig ang mga naunang nagbigay ng mensahe. Dumating din sa panahon ng buhay ko na tuwing papagawain kami ng project tungkol sa Father’s Day, nagtatanong ako sa aking guro kung maari bang huwag na lamang ako magsumite ng project, anupat wala din lamang akong pagbibigyan nito. At tuwing taon nga, kinatatakutan ko ng dumating ang Father’s day dahil sa ganitong kadahilanan, anupat ang mga guro ko noon ay pinipilit akong gumawa ng greeting card para sa isang ama.

Natigil lamang ito noong ako’y nasa ikalimang grado na. Natigil ito ng dahil sa halip na greeting card ang aking isumite ay isang sanaysay (na maaaring ang pinakaunang literatura na aking kinatha bilang isang manunulat) ang aking ginawa, na pinamagatan kong “A letter to the Father I never knew“.

Sa nasabing sanaysay ay naipahayag ko ang aking tunay na damdamin tungkol sa aking ama. Doo’y sinabi ko kung gaano kalaki ang epekto ng isang ama sa kabuuan ng isang kabataan, ipinahayag ko ang mga masasayang bagay na dapat sana’y nararanasan ko noon. Ngunit sa huling bahagi’y pinasalamat ko pa rin ang aking ama dahil ang kawalan niya’y nagpatibay sa aking higit upang matutunang tanggapin ang mga bagay na wala tayong magagawa o kontrol.

…At higit kong natutunang pahalagaan ang aking ina at nag-iisang kapatid. Iba ang nakikita sa nasasaksihan : bagamat lahat ng tao’y nakikita ang pagsusumikap ng iba sa pag-aaruga’t pagpapalaki sa atin, ako nama’y nasaksihan ang mga ito. Nasaksihan ko ang sakripisyo’t pagpupuyat ng aking ina maitaguyod lamang ako at ang aking kapatid.

Sa aking ama na hindi ko nakilala, salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong lumaki at mabuhay sa mundong ito. Ikaw ang taong minahal ko kahit hindi ko man lamang nakikilala.

Salamat pong muli…

h1

Burnham Prank Teaser

September 22, 2008

Due to insistent greenies’ demand, eto na ang video ng latest prank namin last Saturday sa Burnham Park, Baguio City…

or watch this video in youtube : http://www.youtube.com/watch?v=5YeC5n2jVek

syempre pa, teaser lang ito. hintayin ang full length video mula kay GP.enjoy!

h1

Sa ‘yo, The Horizontally Intestined*

September 8, 2008

may nagsasabing “oh look, he’s an ogre!”
at ‘kaw daw ay isang fat, ugly monster,
kutis mo’y black dahil you treasure your libag,
hiningang you’d rather smell your own kabag…

pero I think that an ogre, you are not,
lovable si shrek and (eherm) you’re not!
matangkad si shrek and well, nasa’n ka nga?
may nagmamahal kay shrek and …sino ka nga?

wala namang problem if your face is disgusting,
pero ugali mo pala’y bonggang abhorring;
d’you grew up bullied kaya now bawi ka?
how’s your childhood naman, namolestiya ka ba?

I’ve no idea kung anong atraso namin sayo,
they said dahil ba insecured ka’t di guwapo?
if you want suntukan, aba namiss ko ‘yan!
since you wanna be noticed, hamunin mo ko sa daan!

and don’t ever takot me with authority
i am mabait, yes, at marami na ang nagsabi;
pero what you’ve done is talagang just too much,
di mo inisip na we’re way above your match.

now if you’re reading this and ika’y nasaktan,
paumanhin, I never asked for your pagdaan.

*horizontally intestined – english translation of an old tagalog slang. coined word na hiniram hihiramin ko kay Mariano.

h1

proud ako sa mga humor blogs na ‘to

September 3, 2008

Sasali ako sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles at iboboto ko ang mga sumusunod na top 3 humor blogs na ito; hindi lang dahil sa sila’y mga kaibigan ko sa totoong buhay kundi dahil talagang magagaling, kapupulutan ng topak at ikasasakit ng tiyan ang mga nabanggit:

1. greenpinoy – ang blogger na ito na kinayang humarap sa camera ng naka brip upang patunayan na siya ang inspirasyon sa paglikha ng isang sikat na cartoon character, ang blogger na kahit si Alma Moreno ay nalinlang sa pagpapanggap na siya si Vandolph, ang blogger na kakatapos lamang ng successful first season sa project ube tv, ang blogger na nagpalaki ng samahan ng aming grupo na ngayo’y tinatawag na greenies/lashingheroes, at napakarami pang iba.

…ngunit nananatiling kahit siya’y makulit, may puso sa kapwa. Ibabalik ko ito sa iyo ngayon Jason: Mabuhay ka, ikaw ay isang Pilipinong mataba Makulit!

2. mariano – bilang tanda ng pagiging nakakatawa, pagpunta mo pa lang sa blog niya ay si joker na agad ang bubungad sa iyo (walang kwentang trivia: siya rin ang gumanap na joker sa nasabing larawan. kuha noong dekada sinkwenta). bagamat makukulit ang kaniyang mga hirit, sasakit ang bangs mo dahil maitatanong mo sa iyong sarili: “Oo nga ano” (na hindi naman pala tanong dahil wala namang kwestyon mark) dahil sa kaniyang matatalinong obserbasyon, suhestiyon sa buhay, at mabilis na pag-iisip ng mga punchline.

Sino sa atin ang bumungkal ng paso at nakaalalang batiin ang mga lupa ng “Maligayang Earth Day”?

…Si Mariano lamang. Shame on us.

3. kingdaddyrich – kailangan pa ba ng introduksiyon para sa isa sa mga kinikilalang institusyon ng blogosphere? Ang kaniyang blog ay kakikitaan mo ng kaniyang malawak na dibersidad at talento sa pagsulat : marami kang matututunang mga facts at f_cks, kailangan man sa buhay o hindi, disente man o bastos. Kaya niyang magpatawa ng hindi pilit at seryoso ang tema ng pananalita, kaya niyang gawing interesante ang mga bagay-bagay na karaniwang pangkaraniwang nagiging karaniwan lamang (paumanhin sa department of redundancy department), at higit sa lahat: kaya din niyang kumain ng bubog, apoy, telebisyon, department store (basta hanggang 3rd floor nga lamang)

, babuyan island, etc.
…JOKE lang. Hanggang 4th floor ang kapasidad niya sa pagkain ng department store.
 

MABUHAY KAYO, MGA PILIPINONG MAKULIT!!!
 

 

 
 

 

 

h1

Isa Pang Alaala Ng PGH, 08.23.2008

August 29, 2008

walong taon.

walong taon kang namuhay
sa mundong
nakahihinga ka ma’y
mas masahol ka pa sa bangkay
na nanlalamig, naninigas man
ay di naman ramdam
ang hapdi at sakit
ng nabubulok mong mga kalamnan
at isinumpang kapalaran.

walong taon.

walong taon mong tinanggap
kasama ng iyong lola’t ina
na maging ang isang subong kanin
ay mas bihira pang
dumating, makamit
kaysa sa pagsibol ng gumamela
sa paraisong aspalto at grasa.

AT NGAYON nga’y may isang linggo ka na lamang
na ilalagi rito sa lupa,
ngunit hindi man lamang magawang
maranasan
ang kahit panandaliang kasiyahan
sa labas
ng pagamutan itong
inangkin mong piging
na sasalubong
sa huli mong hininga.

alay kay “Emily” (di tunay na pangalan); walong taong gulang.
isinilang sa Mindanao; isinapalarang ipagamot sa Maynila.
iginupo ng Leukemia; pinaslang ng kahirapan.
h1

REPOST FROM OLD BLOG : trenta pesos na alaala ng PGH

August 22, 2008
Ang sumusunod na tula (base sa totoong pangyayari) ay una ko nang inilathala sa namayapa kong blog noong naguumpisa pa lamang ako dito sa blogspot.

Akin itong ilalathalang muli upang kahit paano’y maging kalabit sa ating mga puso; upang tayo’y maging handa sa mga masaklap na katotohanan ng buhay na haharapin nating mga lashingheroes at greenies bukas, ika-23 ng Agosto, sa isang purgatoryo sa lupang kung tawagi’y PGH.

patawad.
itinuring ka naming
isa lamang sa karamihan
ng mga nakaratay
na katawang
humihinga ma’y
nagbibilang naman
kung ilang hibla pa ng hangin
ang kaya nilang habulin
bago tuluyang bumigay
at tanggapin
ang wakas
na itinakda na
mula ng kayo’y limutin
at ituring
na isang alaala na lamang.

patawad.
bagama’t amin nang narinig
na kulang ka na lamang
ng halagang trenta pesos
upang mapunan
ang pangangailangan mong
gamot,
ay nagpatuloy pa kami
sa iba mo pang mga kasamahan
at nangahas, sumugal,
na sila di’y matutugunan.

patawad.
sapagkat kami’y nagutom
at inuna ang kapritso
ng hangal naming sikmura,
at hindi agarang nakabalik
dala ang iyong gamot
na disin sana pala’y sinulid
na maipantatagpi
sa butas mong puso
na tinatakasan na ng hininga…

patawad.
naging mangmang kami
sa tunay mong kalagayan.

patawad,
dahil ang tangi na lamang dinatnan
ng gamot mong matagal nang hinintay, inasam
ay ang malamig mong katawan
na binalutan na ng kumot.

…ang kumot na tangi mong kasama’t
karamay
sa nabigo mong laban
na dugtungan ang buhay
na amin namang ipinagpalit
sa kalahating oras
na pagkain ng tanghalian.

* Based on a true account of a visit to PGH ward, Manila.

h1

nang mapangiti ako dahil sa ikalawang anibersaryo ng EB Babes

August 20, 2008

WALA akong planong magblog ngayon, anupa’t hindi ko pa natatapos ang ginagawa kong isang artikulo tungkol sa *******.

Ngunit nabigla ako (siyempre, natuwa na din) nang mag YM ka sa akin upang ibalitang ayon kay Vic Sotto at Joey De Leon, magda-dalawang taon na ang EB Babes ng Eat Bulaga!.

Natuwa ako hindi dahil sa fan ako ng EB Babes (pero krass ko si Lian). Natuwa ako dahil magda-dalawang taon na pala mula NOON.

Labo no.

Ang ibig kong sabihin ay lumalabas na mahigit dalawang taon na pala mula noong nanonood tayo ng Eat Bulaga. Mahigit dalawang taon dahil tama ka, noong nanonood tayo ay rehearsal pa lamang nila noon; ngunit ngayo’y magi-ikalawang anibersaryo na nila.

Natatandaan ko pa noong mga panahong nagmamadali tayong umuwi para lamang abutan ang Eat Bulaga. Hindi dahil upang mapanood ang EB Babes kundi upang abutan ang Bulagaan! portion nila. Kasagsagan pa noon ng Knock-Knock nila kung saan paulit-ulit na ginagamit ni Vic at Jose ang kantang “Sing” ng The Carpenters.

At kasama ng mga alaalang iyon ay ang marami pang mga moments na pinagsamahan natin gaya ng “yb @ dafourth with 7-11’s h & c sandwich”, “beydey theories”, CBTL, Pancake House sa 8 Waves, Adobo ni Sosing’s, Puzzle Book na hinanap sa Dela Rosa habang umuulan at walang payong, lapalapalapa song, segafredo, sayaw ng ‘pump it’ at ‘hips don’t lie’, fight club, another suitcase in another hall, difference between complicated at difficult, at marami pang iba.

Marahil nga’y likas sa tao ang magreminisce ng mga nakaraan. Nakatutuwang isipin, lalo’t masasabi mo sa sariling “huwat? 2 years na yun?”

Alam mo kung sino ka, kaya’t hayaan mong kunin ko ang pagkakataong ito upang pasalamatan ka sa mga alaalang iniwan mo sa akin. Those memories further shaped my capabilities and who I am today. I’m glad we’re still friends. And as agreed, I’ll be there on your wedding day, and I hope you’ll be there too when my time comes to walk my wedding march.
Yes, I’ve been over our past. If you’ll ask me “Kailan pa?

…mula ng muli kong tikman ang Java Chip Frappucino ng Starbucks.

h1

tungkol sa pagkiling (of yields)

August 12, 2008

ang umaga’y sumilang
na may dalang liwanag
at kasiyahan
sa labi
ng isang nagugutom
na mortal.

why do we wake up
each day
only to tire ourselves
and then look forward
to another sleep?

ang tanghali’y tumirik

na may lason,
na mapait ma’y
pinilit hagkan
ng nasabik
na mangmang.

…why do we tend

to forget things
that we needed;
and instead,
remember

those things
that hurt us
and should have
walked away from?

ang gabi’y kumalat

na may kamatayan
sa tuyot na talulot
ng mga tayutay
at tugma
ng isang
lumimot
na manunulat.

and why can’t we just
warp to tomorrow

and write the history
of today
…as another memory
of yesterday?

h1

to you, the unrecognized.

August 5, 2008

if you woke up one Saturday and not see me,
please waste not an ounce of worry, it won’t suit me;
nor even waste your voice calling, shouting my name,
it may not reach me though, ’cause I’m gone far away.

search not for me in the woods, you won’t find me there,
or dare journey the drylands, the sea or the air;
yes, you might reach me… but to turn back, ask me not,
for this quest’s my will; that not even you can stop.

this ain’t just a favor I’m returning to you,
this flight is for YOU, and all its little steps too,
…aimed to pick up the pieces of the smiles you’ve lost,
and bring them to your lips, where all joys fit the most.

h1

elsewhere

July 30, 2008

I never seek for it, yet it came upon me
like the proud sun, beaming across the earth
with its warmth soaked in euphemisms
disguising itself with its radiance,
blinding all eyes – seeing that everything’s
about radiance and beautiful weekend mornings.

tell me, shall I just wait for the day to end,
though aware, I am, that there’ll be no dusk?
or I should just run, sought the refuge
of shadows and its damp chill, awaiting
for me, once I give up my first quest
to find THE reasons …elsewhere?

h1

kay "Tita"

July 26, 2008

hinahanap ka sa akin ng lupa,
na dati mong kapiling
sa pag-asam ng isang pahinga.

hinahanap ka sa akin ng ulan,
na dati mong kasabay
sa tuwing aagos ang iyong mga luha.

hinahanap ka sa akin ng hangin
na dati mong tagapakinig
sa mapapait mong mga hinakdal.

wala akong maisagot
sapagkat hinahanap din kita.

…PAGKAT bakante na ang bangketa
na nagsilbing iyong sanktuwaryo
sa paghahanap ng barya
at mailap na biyayang
maipantatagpi sana
sa inaagnas mong sikmura.

at hindi ko na rin batid
kung ikaw pa ba’y naririto pa

…o ang katawan mo’y
inangkin na ng lupa,

ang hininga mo’y
nilunod na ng ulan,

o ang buhay mo’y
inagaw na ng hangin.



alay kay “Tita”; 70-80 taong gulang; pulubi/cigarrette vendor.
naninirahan sa Makati; dayuhan sa sariling mundo.

h1

isang pasasalamat sa isang simula

July 18, 2008

may alab ang tawag ng isang plumang nakapinid,

gaya ng tula na tugma na ang nagpupumilit;
tubig na sapilitan mang sa palad ay ikulong,
dagliang umaalpas at sa lupa’y magkakanlong…

Pramis, tinangka kong gawing seryoso ang lathalang ito. Ngunit sa anumang kadahilanan ay hindi ko magawa – marahil ay dahil nalulunod pa rin ako sa excitement na may reunion concert ang EHeads.

Nakatataba ng pusong malaman na may mga nag-alay sa akin ng tribute para sa namayapa kong blog. Maging ang mga reaksyon sa YM, text, tawag, kumento sa mga blog, reaksyon sa forum, ay nagsilbing pigrolac sa nangayayat kong panulat.

Kaya bago ang lahat ay hayaan ninyong pasalamatan ko kayo. Alpabetikal na lang para peyr:

ayzprincess – salamat sa tulang inialay sa akin kahit hindi ko pa ito natatanggap. salamat sa pangungumusta at pagtatanong na “kumusta ka na, sher sher?”…
chroneicon – sa tribute na nagsilbing one final push para bumalik na ako’t magsulat. sa pagiging isang tunay na kaibigang naririyan noong emo mode pa ang dating lethalverses…
damdam – salamat sa mga luha mong sinayang nang matuklasan mong wala na ang aking blog; at sa mga matatalinong usapan na gumising sa aking nakukultang utak…
espie - salamat sa pag-aabang kung ako’y babalik pa nga ba, at sa mga text message na hindi ko na nasagot ng mga panahong iyon…
faith – sa pagbabalik sa akin ng mismong mensahe ko sa iyo noong ikaw ay nasa hiatus mode – na tumimo sa akin at nagbigay daan upang mabuksan ang daan pabalik…
goddess – sa mga walang sawang pangungumusta at sa blog tribute… salamat sa lakas ng iyong loob na “ampunin” ang mumunti kong tula…
lashingheroes & co. – siyempre sa mga greenies na laging naririyan, laging nangungumusta, laging nagnanais na pasiyahin akong muli, at humihiling ng aking pagbabalik…
jeck – salamat sa blog tribute. kahit na bihira kang magpakita sa amin ay nananatili ka pa ring loyal sa naumpisahan ng samahan…
jimg – sa iyong pagtitiwala at paniniwala sa aking kakayahan. ang totoo niyan ay ikaw ang naunang nagbigay ng blog tribute sa akin…
kdr – siyempre, sa pagiingat ng aking domain name upang matiyak na walang ibang maaaring makakuha ng “lethalverses” name. salamat…
mte – muli, sa napakalalim at mabagbag-damdaming blog tribute. kahit na ilang taon na ang nakalilipas ng huli tayong naging magkakabarkada’y naririyan ka pa rin…
shayleigh – sa overseas call upang mangumusta lamang, sa pagiging sweet na kaibigan bagamat kagaya ng karamihan ay hindi pa rin kita nakikilala ng personal…

at sa IYO na nagbabasa nito. salamat sa iyong paghihintay, at sa pagtangkilik.

…at kay AIR – salamat sa iyong pang-unawa… SALAMAT, mananatili kang magandang alaala at inspirasyon ng aking panulat.

 

 

h1

"new" post coming…

July 17, 2008

…sapagkat may mga bahagi
ng iyong sarili
na kaya mong talikuran,

…ngunit hindi mo kayang iwanan.

h1

nang minsang itapon ko ang isang tula

July 1, 2008

paalam,
sa isang piping sagot
para sa katanungang
hindi na matutugon.

paumanhin,
sa mga iniwang taludtod
para sa isang panaginip
na kinailangang gisingan.

pagkat mapait na ang tinta
ng aking panulat,

…at kailangan ng lumaya
ng hangin.

AT ang lahat ng ito’y kahapon na lamang
ng minsang itapon ko ang isang tula
na isinulat
sa papel
na itinatwa
ang sarili kong salita.

h1

sari-saring iisa.

June 27, 2008


Mayro’n akong nais malaman
Maaari bang magtanong?
Alam mo bang matagal na kitang iniibig?
Matagal na akong naghihintay…

MINSAN, may mga bagay sa mundo na wala tayong magagawa, hindi tayo makapipili, o wala tayong kakayahang baguhin.

Isa na diyan ang “LL” – o “lablayp“, ayon sa kaibigan kong itatago ko sa pangalang anthonyb.

Ngunit ito na rin marahil ang dahilan kung bakit masarap ang magmahal – hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa iyo dahil hindi mo mapipili kung sino ang pag-aalayan mo nito. Hindi ako nagpapakamartir kung sasabihin kong ang sarap nang isipin na alam niyang mahal ko siya, kahit batid kong ang pinasok ko’y isang pangahas na pangarap. Pero siyempre, nangangarap pa rin ako na balang araw, SANA, masuklian din ito.

…sa huling balita ko’y libre pa rin naman ang mangarap.

Kung ako ay iyong iibigin
Di kailangan ang mangamba
Pagkat ako ay para mong alipin
Sa iyo lang wala ng iba…

TINANONG ako ni AIR kung bakit ko nasabing mahal ko siya, at buong katotohanan din naman na matagal ko na ring naitanong ito sa aking sarili.

At ang dahilang iyon ay naisalin ko na rin sa isang tula – mahigit isang buwan na ang nakalilipas (ikinalulungkot ko ngunit masyadong pribado para sa akin ang tulang iyon kaya’t minarapat kong huwag itong ilathala dito).

Nagpaalam ako sa kaniya na kung maari’y sagutin ko ito sa pamamagitan ng tulang nabanggit, at pumayag naman siya. Kaya’t bibili akong muli ng crayola, este pentel pen, upang maisalin ko itong muli sa isang tisyu – gamit ang sarili kong sulat kamay na mas illegible pa kaysa wingdings.

…sa huling balita ko’y libre pa rin naman ang mag-abot ng isang tula.

Ngunit mayro’n ka ng ibang minamahal
Kung kaya’t ako’y di mo pinapansin
Ngunit ganon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito’y para lang sa ‘yo…


NOONG nakaraang linggo lamang, tinanong ako ng ex ko kung bakit daw mahigit isang taon na’y hindi pa ako ulit nagge-gelpren. Simple lamang ang sagot ko: “high tide or low tide?”

…na dyoklang. Ang tunay kong sagot ay “Dapat bang pumasok sa isang relasyon dahil lamang sa lumilipas na panahon? O dahil tiyak mong mahal mo ang isang tao at kaya mong manindigan para dito?”

At dahil alam naman niya ang tungkol kay AIR, tinanong niya kung ano na daw ang lagay ng panliligaw ko.

ex : “Kumusta naman kayo ni __? Masaya ka naman ba?”
ako : “Masaya ako. At oo, mahirap. Pero overwhelming pa din ang saya kapag kasama ko siya.”
ex : “I guess it’s what makes it fulfilling then. Kasi may pain…”
ako : “Oo. ‘Yung tipong lagi ka nag-iisip to the point of paranoia. Pero isang ngiti lang niya, solb na ang araw mo.”
ex : “Paano kung dumating ang araw na magka-bf na siya? Or sabihin niyang hanggang friends na lang kayo at wala talaga?”
ako : [NATAHIMIK]
ex: “Hahaha, ngayon lang kita nakitang ganiyan. Wow, apektado??!”
ako : [Ngumiti] “Grabe no? Kahit tanggap ko na ‘yung looming possibility na ‘yun, masakit pa ring marinig, kahit sa isang simpleng usapan lang.”
[SANDALING KATAHIMIKAN]
ako : “Well, mahal ko e. At least, kahit may gusto siyang iba, alam ko sa sarili ko na may ginawa pa rin ako. I’ve tried, though hindi lang talaga ako ang worthy para sa kaniya. And magiging masaya na din ako nun eventually, may tiwala naman akong she knows what’s best for her. And ‘yun dapat ang lagi nating iisipin sa mahal natin sa buhay – ALL THE BESTS they deserved.”

Sa huling balita ko’y libre pa rin naman ang magmahal…

Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo,
Nandito ako…


…at asamin ang kanilang kaligayahan.

h1

the unfamiliar territory.

June 13, 2008

you may have realized, while you’re reading these lines,
that you’re the air I breathe, the essence of my rhymes;
and though unasked for, I’m still giving you these poems,
for what sense would these serve, if truth’s not to be known?

it all started with a garden I dared look,
a place of lovely blooms, from ground to every nook,
where green roses aren’t rare; wild bushes you’ll find none,
with soothing breeze of song: a real perfect one.

and what would I not give, just to be near and see,
those metaphors of beauty, in all simplicity?
beneath the greeny fields and ever-crystal lake,
lies a gem, a character, that nature can’t remake.

and though at first I blinked, afraid that I might fall,
yet falling seems assured – I have but mortal soul;
but please don’t take offense, I knew where I should stand,
if I can only stay: let fall WITHIN your ground.

h1

10 RANDOM THINGS ABOUT ME (tagged)

May 24, 2008

Dahil ni-tag ako ni magandang toxiceyeliner, at dahil na din sa kadahilanang hindi ko pa matapos ang final installment ng unfamiliar territory poem ko:

Sasagutan ko na ang 10 random things about me na hindi ninyo kailangang malaman. Of course, I’ll write something new here that I haven’t mentioned yet on my “short” About Me on top of this blog.

1. My feet does this weird thing of swinging like an inverse pendulum – while I’m sleeping. What’s good about it? Sinasabitan ko na lang siya ng pamaypay para automatic na napapaypayan ko ang sarili ko kahit tulog.

2. I got crooked fingers!!!! except for my right pinkie (my left pinkie was injured last year while playing basketball), I can’t really make my fingers “stand” straight. When I’m clasping my hands, my fingers will form a “Y” when viewed from the sides. Good thing about it: I can’t easily blame, err point a finger, to someone else. nampucha naman o, seryoso.

3. I used to be a “neighborhood/school menace” of some sort. Yun lang, yoko nang ielaborate pa, what matters is – aside from anything that occupies space, has weight blah blah – NAGBAGO NA PO AKO. Hindi na ko nakikipagsuntukan, hindi na ako palapatol sa away (mind you though, I don’t normally fight if it only involves me – I usually get into fistfights if it involves my friends, especially my family). Teka lang, awayin ko lang ang kapitbahay ko, trip ko lang)

4. I love chocnut!!! (gasdude, not because of HER kasi gusto ko na ng chocnut years ago pa) …and basta nuts, ayos na. I actually could’ve written this in tagalog pero alam kong maraming malisyoso diyan sa meaning hehe.

5. I finished college at the age of 19. I was accelerated twice during my elementary days – but I was accidentally trapped when a nuclear factory exploded, bitten by a radioactive spider, hit by a cosmic wave, experimented upon by Weapon X… and the result? eto isang abnoy. (PB, kala mo ikaw lang? hehe)

6. Timing na din – The original Indiana Jones trilogy played a major part in my life. As a kid, I always dreamed of becoming an Archeologist, childishly thinking that it entails the same epic adventures as portrayed in the film. But growing up, I realized it actually suits me since it somehow combines History and Science – two of my fave subjects. But it turned out that the course’s not offered anywhere near here, so ang ending? I enrolled in Civil Engineering dahil naman sa Math, but two weeks afterwards (dahil gusto ko talaga ng Archeology), nagswitch na lang ng Accountancy because of a childish challenge-me-then attitude before. Well salamat na din, I may not have met Her kung hindi ako Accountant hehe.

…I haven’t watched ID4 yet as of writing. Wala bang manlilibre diyan?

7. I used to play drums before, but since I wanna try something new while still young, I studied guitars naman. And the first guitar I’ve owned? A second-hand blue RJ guitar I bought from my barkada for 600 pesoseseses. Nasaan na ang gitarang ‘yun ngayon? After more than ten years na iningatan ko, nasira lang sa isang inuman/concert session sa kanto a year ago… (oh my, I really missed that guitar)


8. And with relation to number 7 above, I realized na sobrang laki pala ng epekto sa akin (Pare, as in BOG! BOG ito!) if a chick has a musical inclination of any sort… She may need not be a singer, but if she plays an instrument or two: syet pareng chie/alex/jason: MAHAL ko na siya!!!!!!!!! For the first time ulit, MAHAL KO NA SIYAAAAA!!!

9. I grew up without a father. Our father left us for good while I was only six months old. Not sure if my appearance shocked him (sabi nga, a face only a mother can love hehe) pero ‘yun ang totoo. And he is one of the earliest subject that I wrote something for – I wrote an essay titled “a letter to the father I never knew” as a Father’s day project back when I was in Grade 5 – though it’s supposed to be a Father’s day greeting card, yet I knew then that there’s no sense in creating a card anyway.

…So Ayz, remember what you’ve learned from me, Chrone and Gasdude last 05/18: LOVE your father. You have someone in your life that Chrone and Gasdude wished they still have – and I can only dream of having.

10. I wrote this post sa isang Internet Cafe dahil four days na akong walang wifi. And yes, nakikihack lang po ako ng wifi connection – and yes again, there’s this weird side of me who finds challenges if I’m able to cheat the techology thru hacking/hexxing, etc. – as long as walang naaagrabyado siyempre. I made sure that the owner/s of the wifi connections I’m using won’t be charged naman for my additional access. Of course, may takot ako sa Diyos.

h1

unfamiliar territory

May 17, 2008

and I moved, yes I moved nearer this garden’s lawn
with cottony steps heeding its naive summon;
and if the distance of nearness shall consume me,
remember this vow: for my last, this vow may be.

willingly carry me into your purity,
and let me just stand here, admiring your beauty;
if only I can call this garden as my home,
no reason there’ll be, to write another sad poem.

and just when I thought I grew well brave enough,
but my heart acts otherwise, my dreams say I’m not;
and this cowardice that I never had before,
flatters me lamely – futile as a childish lore.

you are but my unfamiliar territory,
a place I’ve wished. and I will try, and blindly see;
…my heart will seek for you once you’re not near with me,
…let it be. I’ll still dream of you eternally.

h1

HMD!!!

May 12, 2008

Sa aking ina:

walang salitang makatutumbas
o makasasapat
upang maibahagi ko’t
isigaw sa buong mundo
ang lahat ng iyong mga
kadakilaan…

“HUY!!! ANO YAN? DRAMA NITO!”

Naputol ang tulang sinusulat ko sa itaas dahil napadaan pala si Mama sa likod ko habang tinatapos ko ang lathalang ito. Sabi ko na nga ba, dapat tinapos ko na ito sa Makati, inuwi ko pa kasi dito sa Bulacan para tapusin. Ayan tuloy, late na ang post ko.

Nilingon ko si Mama, nakangiti siya sa likod ko. Oo, si Mama ay tunay na pilipinong makulit (sayang nga at wala siyang blog), pero obvious naman na sobrang touched siya pag naaalala siya sa mga ganitong pagkakataon.

At dahil nagulat na niya ako’t naglaho na ang writing momentum ko, tumayo na lamang ako at inulit ko ang pagyakap at pagbati sa kaniya ng Happy Mother’s Day. Haay, ang mama ko talaga, nanggugulat pa rin kahit hindi na bata weeee…

Ang mga ina marahil ang mga pinakahinahangaan kong tao. Larawan sila ng pagtitiyaga at sakripisyo. Natatandaan ko pa ang mga panahon na hindi natutulog si Mama kapag may sakit ang isa sa amin ni Ate. Kahit nahihirapan siya’y hindi niya inaamin sa amin, kinakaya niya ang lahat para lamang sa kapakanan naming magkapatid – at nagpapakita siya ng kalakasan at katatagan para lamang huwag naming malaman ang anumang maaaring makaapekto sa focus namin sa pag-aaral.

Hindi ko din naman masasabing lumaki akong ganap na maipagmamalaki niya. Marami akong naidulot na dalamhati sa kaniya: Pangkaraniwan na sa kaniya ang may magsumbong na magulang ng aking kaklase dahil sa mga kalokohan ko. At handedpersentsyur, ipagtatanggol niya ako sa mga magulang pero kwidaw, pag alis ng mga iyun ay ako na ang haharapin niya’t pangangaralan. Oo, naranasan ko na din ang mapalo sa puwet; at natutunan kong the number of palo increases once the obvious extra padding of notebook sa puwet was discovered – malay ko bang halata pala ang notebook as palo absorber.

Mama, kahit alam kong hindi ka nagbabasa ng blog ko at mas pinili mo pang itago at ulit-ulitin ang mga sinulat ko noong bata pa ako (katwiran mo kasi’y nakakaduling magbasa sa computer), hayaan ninyong ipahayag ko sa mundo ng blogosperya ang pagmamahal ko sa iyo.

I love you so much Mama, I can never imagine where would I be now if not for all the sacrifices you’ve made…

Happy Mother’s Day!!!

AUTHOR’S NOTE: at sa mga ina ng aking mga kaibigan – salamat sa inyo at happy mother’s day din! Mabuhay kayo!

h1

prelude to unfamiliar territory

May 6, 2008

I moved to admire a charming garden,
and to its calming zephyrs, I paused to listen;
with sweet morning dews that hugged its earth
and lovely blooms to soothe one’s breath…

though I know that this garden’s not yet owned,
to come near’s still a trespass; like a guarded lawn;
but like a drifter’s journey to the unknown
he took risks just to catch a glimpse of the horizon.

so don’t take me wrong, for I knew where to stand,
though yes, I may have wished to stay in this ground;
but it’s like dreaming of dreams without any reply,
that I’d rather be waiting for the ocean to dry…

and go, I must, for I have to leave anyway
for tomorrow’s my last to admire you and stare;
and bring with me your beauty, stored but in my mind;
and bring with me your beauty, but never this dream.

h1

10,000th visitor

May 1, 2008

ngayon ko lang napansin, sa kasalukuyang sinusulat ko ito ay nasa 9,572 hits na ang blog na ito.

at bilang trip lang, may pakulo ako.

kung ikaw ay bumisita sa blog na ito at napansin mong ang hit counter ay nasa 10,000 (bawal ang may decimal places); pakiscreenshot ito (bawal ang edited hehe) at ipadala sa yahoo mail ko (sbdstyler23@yahoo.com).

…ang mananalo ay tatanggap ng MAJOR price na palakpak, at MINOR price na GC worth P1,000.00 sa peborit kong restaurant na TOSH. Kung gugustuhin ay puwede din akong sumama sa kainan hehe…

(seryoso ang price bilang pasasalamat na din sa pagtangkilik sa loob ng halos dalawang buwan na eksistensiya ng blog na ito.)

SALAMUCH!!!!

h1

last post ni Jeckyll

May 1, 2008

PASAKALYE: Minsan, dumadating sa buhay ng isang manunulat ang panahong magpapasiya siyang tumigil na sa pagsulat – kagyat man o permanente – sa mga kadahilanang maaaring siya lamang ang nakaaalam o marahil ay siya lamang din ang makauunawa.
Isang malaking kawalan sa mundo ng blogosperya ang kamatayan ng blog ni Jeckyll ng Red Hot Silly Kamote – anupa’t tunay ngang isa siyang henyo sa larangan ng pagsusulat. Ang dibersidad ng kaniyang talento at lawak ng karunungan ay masasalamin sa kaniyang mga akda, maging ito man ay may bahid ng katatawanan (o sa ating kasalukuyang slang ay tinatawag nating “kakulitan”), kalaliman, kabastusan …at kasawian.

 

At dahil ang espasyong ito ay inilalaan ko kay Jeckyll, hindi ko na pahahabain pa ang pasakalye. Isang malaking karangalan ang mapiling second host ng kaniyang huling akda – na nauna nang nalathala sa sarili niyang blog – ilang minuto bago ang pagkawala nito. Mabuhay ka pareng Jeck! Hihintayin namin ang iyong pagbabalik!!
…Naririto na ang huling akda ng RHK, at ang kadahilanan ng kamatayan nito:

 

ONE LAST POST
Sinindihan ko ang natitirang sigarilyo sa aking dalang pakete. Huli na ‘to, ang nasabi ko sa aking sarili. Habang patuloy na nagbabantay sa mga taong dumadaan sa labas ng coffee shop na tinatambayan ko. Magtatatlong oras na rin akong naghihintay. Hindi pa rin sya nagbago. Late pa rin.

Naisip kong hindi na siguro sya darating, nagbago na siguro ang plano niya. Malamang hindi sya pinayagan o kaya may iba pa syang mas mahalagang bagay na gagawin. Nagpasya na akong umalis na lang. Palabas na sana ako ng pinto nang biglang tumambad sa aking harapan ang mukhang hindi ko pa rin nakakalimutan. Muntik ko na syang mabangga sa sobrang pagmamadali niya. Mabuti na lang at mabilis akong nakaiwas. Nagulat ako dahil hindi ko na inasahang darating pa siya. Hindi pa rin siya nagbabago. Maganda pa rin – kahit late.

“Kumusta ka na?” sabi ko habang nasa manibela ang mga kamay at nakatutok ang mata sa daan.
“Okey lang” ang sagot nya na hindi man lang din tumitingin sa akin.

“Saan ba tayo pupunta?”

“Sa dati. Sa dating nating tambayan nung highschool pa tayo.”

“Ang cheap mo naman, de kotse ka na pero ang jologs mo pa rin.”

“Hindi naman lahat ng naka-kotse eh sosyal. Isa pa, marami akong dahilan kung bakit dun ko tayo gustong pumunta at mag-usap.”

Marami akong dahilan. Kung sasabihin ko man sa kanya lahat, kulang din ang ilang oras na pagkikita namin. Ang totoo nyan, gusto ko lang siyang makita at makausap. Kaya nga nung natanggap ko ang paanyaya niya na magkita kami ay hindi ko na siya tinanggihan. Maraming taon na rin naman ang nakalipas matapos mangyari ang lahat.

“Kumusta na nga pala ang baby mo? Ilang taon na nga pala siya?”

“Four years old. Mabuti naman. Ayun, napaka-kulit at maarteng bata.”

“Nagmana sa iyo.”

“Hindi ah.”

Nakarating kami sa lugar na tinutukoy ko. Kahit pa sinasabi ng iba ng baduy ang lugar na ‘to, masaya ako kapag nakakakita ako ng dagat. Dito ko nararamdaman ang kalayaan lalo na kapag natatanaw ko sa malayo ang pagtatagpo ng langit at dagat. Dito namin binuo aming mga pangarap. Dito sa lugar na ‘to ko syang unang nakitang umiyak. Noon ko lang din nalaman na naiyak siya dahil nasabihan ko siyang ‘chubby.’ Simula n’un naging maingat ako sa pagbigkas ng salitang ‘yun.

Naupo kami sa upuan na madalas din naming inuupuan noon. Natatandaan ko pa, isang beses hindi kami umuwi. Magdamag kaming magkasama dito, nagkwentuhan lang kami magdamag tungkol sa maraming bagay. Sa problema niya sa kanyang pamilya, sa eskwela at marami pang iba. Pinilit kong alalayan siya sa lahat ng pagsubok na nararanasan niya. Hindi ko na siya nagawang iwan dahil alam ko sa sarili kong hindi ko rin kaya kapag wala siya. Nung sumapit ang alas dos ng madaling araw, naihi kami pareho, naghanap kami ng C.R. pero wala kaming makita hanggang sa makaabot kami sa Pedro Gil. Naki-CR kami sa isang bukas na fast food chain. Pagkabalik namin lugar na ‘to, nakita namin na may portalet pala sa may bandang kaliwa ng kinauupan namin.

Iniabot ko sa kanya ang softdrink in can at ilang chichiryang paborito niya. Magkasabay kaming kumain na nakatanaw sa dalampasigan. Natutuwa ako dahil hindi siya nagreklamo kahit ganun lang ang pinagsasaluhan namin. Naisip ko kasing pareho na kaming may trabaho ngayon at kung tutuusin kaya na naming umorder at kumain sa mamahaling restaurant sa Maynila. Ngunit ngayon, masaya kaming magkasama habang tangan ang kasimplehan ng aming kabataan. Ganito yung gusto ko, ‘yung simple lang pero masaya.

“Kumusta ka na nga pala? Balitaan mo naman ako sa mga nangyari sa buhay mo” wika niya habang ngumunguya ng mister chips.

“Ako? Wala namang masyadong nangyari sa akin. Nung makahanap ako ng ibang trabaho n’un, nagkaroon ako ng scholarship kaya nakapag-aral ako ng masteral. Ayun, tuloy-tuloy na ‘yung swerte.”

“At nag-abroad ka pagkatapos n’un?”

“Oo. Alam mo namang matagal ko nang gustong gawin ‘yun. Pag nandito ka sa Pinas, hindi ka talaga uunlad. Walang mangyayari dito sa buhay mo… teka, balita ko nag-work ka rin abroad, di ba?”

“Oo, pero saglit lang ako dun. Mas gusto ko pa ring magtrabaho dito. Isa pa, ‘di ko rin magawang iwan ang anak ko.”

Napatingin ako sa malayo pagkatapos niyang masambit ang huling dalawang salitang binitiwan niya. Kung kanina, interesado akong makibalita sa anak niya, ngayon, nagising ako sa katotohanan na hindi na kami gaya ng dati. Hindi na kami mga estudyanteng maliit ang mundo at wala pang responsibilidad sa buhay. Kami na ngayon ay bahagi ng kasalukuyan na alipin ng aming pagkakamali at pagkatuto. Kailangan na naming harapin ang bunga ng aming pagkakamali. Hindi na kami tulad ng dati.

“Kumusta na nga pala ang asawa mo?” marahan kong pagtatanong para basagin ang aming katahimikan.

“Matagal na kaming wala. Hindi rin naman niya ako pinakasalan eh kaya wala ring saysay kung magsasama kami.”

Tinanong ko siya kahit alam ko naman ang isasagot niya. Hindi naman ako makikipagkita sa kanya kung alam kong may asawa siya, noon pa man, iwas na ako sa mga babaeng may minamahal nang iba.

Nakilala ko siya nung nasa nasa fourth year highschool pa lang kami. Transferee siya noon. Naaalala ko pa, madaming lalaki ang nakabungad sa pintuan ng classroom namin. Pagpasok ko ng classroom ay nakita ko ang pinakamagandang anghel sa balat ng lupa. At dahil bago siya ay ipinakilala siya sa akin ng isa kong kamag-aral. Iniabot niya nang banayad ang makinis niyang kamay, hindi ko inabot at ngumiti lang ako sa kanya. Noon pa man, alam kong higit pa sa pagiging magkaibigan ang magiging turingan namin sa isa’t-isa.

Hindi naglaon, gumradweyt kami at iniwan ang buhay highschool. Nagkahiwalay kami ng kolehiyong pinapasukan. At dahil dun naging madalang ang aming pagkikita. Sinulit namin ang bawat oras na magkasama kami para lamang magkaroon ng buhay ang pagsasama namin. Ngunit mas marami pa rin ang agwat ng hindi namin pagkikita sa mga oras na nagkakasama kami. Sa kabila ng kalungkutan ko at pag-iisa, nakilala ko ang Diyos sa tulong ng isa kong schoolmate. Sinubukan kong mag-aral ng salita ng Diyos upang labanan ang buhay at hanapin ang sagot sa aking kalungkutan. Hindi ko rin alam kung bakit biglaan ang aking desisyon na magpabinyag sa ibang simbahan, huli na rin nang malaman kong bawal sa simbahan na ‘yun ang magkaroon ng karelasyon sa hindi kaanib ng pananampalataya. Binitawan ko ang pagmamahal niya – alang-alang sa kaligtasan. Inisip ko na isang araw, babalikan ko siya at aakayin din sa aming paniniwala. Upang sa gayon ay magkasama na kami, hindi lang sa mundong ito kundi pati na rin sa buhay na walang hanggan. Nagtiwala ako sa Panginoon.
Isang tawag sa cellphone ang natanggap ko nang minsang nakaupo ako sa field ng aming Unibersidad. Nagulat ako sa narinig kong boses. Ang boses ng isang babaeng hindi ko pa rin nakakalimutan. Nasorpresa niya ako. Hindi ko inaasahang malalaman pa niya ang number ko at tatawag siya nang biglaan. Nakangiti akong parang tanga habang kinakusap ko ang babaeng unang nagpatibok ng aking puso.

“Hello?”

“Jec, kumusta?”

“Eto, gwapo pa rin. Ikaw? Nasan ka ngayon?”

“May sasabihin lang ako.”

“Pwede ba tayong magkita? Libre ka ba sa Sabado?”

“May sasabihin lang ako, Jec.”

“Ano ‘yun?”

“Ikakasal na ako.”

“Ha? Nagbibiro ka ba?”

“Hindi.”

“Bakit mo sinasabi sa akin ‘yan?”

“Gusto ko lang malaman mo.”

“Para saan?”

“Para malaman mo.”

“Hindi ako naniniwala.”

“Nasa sa iyo na ‘yun kung hindi ka maniniwala. Basta gusto kong ipaalam sa iyo.”

“Tumawag ka lang para sabihin na ikakasal ka na? Ayos ka ah.”

“Sorry. Bye.”

“Hindi ako naniniwala.”

Naputol ang aming usapan. Pinunasan ko ang aking luha na hindi ko napansing tumulo na pala. Hindi ako naniwala sa kanya. Hindi ako naniwala hanggang sa mga huling sandaling nakakita ako ng pruwebang ikinasal na siya.
Paubos na ang chichiryang kinakain niya nang lumapit siya ng bahagya sa akin. Sumandal siya aking balikat. Mula sa aking pagtanaw sa dagat, naaamoy ko ang bango ng kanyang buhok, nararamdaman ko ang pagtibok ng kanyang puso, ang buga ng hangin sa kanyang paghinga, at ang mainit na luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi patuloy sa aking balikat. Alam ko na sa isipan at puso niya, inaasam din niyang ibalik ang kahapon. Ang mga pangarap na nilikha namin kasama ng mga araw na nagdaan. Kaya siya ngayon lumuluha.

Paano nga ba ipapaliwanag ang pag-ibig na nagkaroon ng wakas? Ang pag-ibig na kagaya nito ay katulad ng isang bumbilyang minsang nagbigay ilaw sa madilim na kwarto. Sa unang pagsindi, puno ng liwanag at masayang nagbibigay ng tanglaw sa damdaming nag-iisa. Subalit kalaunan, sa patuloy na pagpatay-sindi at pagpihit ng bumbilya, napupundi ito at hindi na muling iilaw pa. Tulad ng damdaming napapagod sa tuloy-tuloy na hindi pagkakaunawaan at madalas na alitan; napupundi rin at namamatay. Sa huli, magpapasya kang palitan na lang ang sirang bumbilya at hahanap ulit ng bago. Ngunit ang mga alaalang nabuo mo kasama ng sirang bumbilya ay mananatili pa rin. Hindi maglalaho.

“Hindi na natin maaaring ibalik pa ang kahapon” wika ko sa kanya habang pinupunasan ko ang kanyang mga luha.

“Hindi na ba talaga pwede?”

“Marami nang nagbago. Kahit pilitin natin, hindi na rin gaya ng dati kung magsisimula ulit tayo.”

“Hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Kaya ako tumawag sa iyo noon bago ako ikasal dahil nagbakasakali akong pipigilan mo ako.”

“Hindi ako naniwala noon. Hindi ako makapaniwalang basta ka na lang magpapakasal nang ganun. Nagtiwala ako sa pagmamahalan natin.”

“Pero ikaw ang naunang nang-iwan.”

“Kahit kailan, hindi ka nawala sa puso ko. May pangako akong binitiwan sa Diyos. Alam mo ‘yun. Pero ikaw ang kusang umalis simula nung malaman kong nagsasama na kayo.”

“Alam kong mahal mo pa rin ako. Pagkatapos nating tumigil magsulatan, alam kong patuloy ka pa ring nagsusulat para sa akin. Nababasa ko ang lahat sa blog mo. Sa mga tula mo.”

“At ‘yan din ang dahilan kung bakit tumigil ako sa pagsusulat. Alam kong binabasa mo ang lahat. Isang bagay na ayaw na ayaw kong nakikita mo, lalo na ang mga kahinaan ko.”

??? “Adik sa’yo” awit sa akin
nilang sawa na sa aking
mga kwentong marathon
Tungkol sa’yo, at sa ligayang
iyong hatid sa aking buhay
tuloy ang bida sa isipan ko’y ikaw…???

Nagri-ring na pala ang cellphone ko nang hindi ko namamalayan. Sinagot ko ang tawag at kinausap ang babae sa kabilang linya. Kailangan ko nang umalis, kailangan na niya ako.

“Medyo gabi na rin. Halika na. Ihahatid na kita.”

“Alam ba niyang nagkita tayo?”

“Oo. At kailangan ko na siyang puntahan ngayon. Mahirap kapag pinaghihintay ang asawa. Baka sa sala ako nito matulog.”

“Tara na.”

Hinawakan ko ang kamay niya habang akay siya papunta sa kotse. Lumingon muna ako sandali sa lugar na hindi ko na ulit babalikan. Tapos na sa amin ang lahat. Ang mga alaala ay parte na lang ng nakalipas. Maaaring mahal ko pa rin siya o mahal ko ang aming nakaraan. Gayunpaman, masaya ako sa sandaling nakasama ko siya ngayon.
Ibinaba ko siya sa sakayan ng bus, gusto ko pa sana siyang ihatid sa kanila pero tumanggi siya. Tinanaw ko muli ang mukhang di ko pa rin nakakalimutan.

“Bago ako umalis, isang tanong na lang.”

“O sige” sagot ko.

“Kailan mo napagpasyahang kalimutan ako?”

“Simula nung dinelete ko ang blog ko.”

 

h1

sana’y alaala ka na lamang

April 28, 2008

kagaya noong katabi kita
na kahit sandali lamang na oras,
ay naging kabuuan na
ng aking ’sanlinggo.

kagaya noong kausap kita
na kahit kunwa’y nagpapatawa lamang,
ay pinipigil namang isambibig
ang aking damdamin.

kagaya noong kasabay kita
na bagama’t natotorpe ako’y,
nangagahas namang sumulyap
sa kamandag ng iyong kagandahan.

ngunit sana’y alaala ka na lamang
na kaya kong iuwi,
at makasama
anumang oras kong hanapin.

pagka’t kaya kong tawaging akin
ang isang alaala,

…ngunit hindi ang iyong ngiti,
ang iyong ganda,
ang IKAW,
at ang aking panaginip.

h1

nang lapain ako ng hyena sa siyudad

April 24, 2008

ILANG minuto pa lamang ang nakalilipas habang sinusulat ko ito, naglalakad ako sa kahabaan ng Buendia pauwi galing sa opisina ng makita ko si “Tita” na nakaupo sa paborito niyang sulok. At dahil “bespren” na daw niya ako, malayo pa’y ngumiti na siya sa akin.

Oo, hindi pang close-up smile ang kaniyang ngiti: anupa’t ang gilagid niya’y halatang malaon ng tinakasan ng kaniyang mga ngipin. Ngunit para sa akin, ang ngiting iyon na pagbati – na tatagos sa iyo ang sinseridad at walang pagkukunwaring kasiyahang makita ka – ay ang dabest na ngiting nakita ko sa buong araw (teka, hindi ko kasi nakita ang ngiti ni what went wrong).

Pero hindi si tita ang topic ng post ko ngayon. Hindi siya ang hyena, at lalong hindi din niya ako nilapa.

Ang nangyari kasi, binigyan kong muli si Tita ng kaunting baryang kahit paano’y pantawid gutom na din. Ngunit di ko naman alam o talagang masukal lang ang bulsa ko sa sari-saring basura, pagdukot ko’y nalaglag pala ang resibo ng kinain ko kanina sa KFC (yup, sawa na kasi ako sa jabi dahil kasama ko madalas si chroneicon wehehehe) at ayun, nang paalis na ako’y biglang may sumigaw sakin:

HYENA : Boss (nampucha, boss niya pala ako e bakit nya ko sisigawan?), sandali lang. Pakipulot ho yung tinapon niyong kalat.

AKO : [Nagulat] Ha? (mas mahaba pa ang “ako”, emosyong inilarawan at ang walang kuwentang paningit na ito kaysa sa aktwal na sinabi ko dito)

HYENA : ‘Yun hong papel. [Itinuro ang noo'y nakahandusay na kapirasong papel sa bangketa]

AKO : Hindi sakin yan, wala akong tinapon. [salubong ang kilay]

HYENA : ‘Senyo ho yun, nakita ko tinapon mo. Galing sa bulsa mo, nalaglag. [labo ng logic niya no - itinapon ko tapos nalaglag daw]

At dahil hindi umepekto ang pagsalubong ko ng kilay at alam kong masukal ang aking bulsa, minarapat kong pulutin ang papel na mukhang malinis naman. Pagbuklat ko, nakita kong sa akin nga iyon dahil natandaan ko pa ang serial number ng resibo ng KFC (siyempre joke lang. Item code ng chicken longanisa meal ang natandaan ko).

AKO : ‘Pre nalaglag lang ‘to, hindi ko tinapon.

HYENA : Ganun din yun, littering ka. (di ko naman nabasa ang sinabi niya kaya di ko alam kung tama ba ang spelling ng “littering” ng bigkasin niya iyon) Nakita ko nalaglag yan sa bulsa mo pagdukot.

AKO : (umuusok na ang ilong) Nampucha, nalaglag pala e, ibig sabihin di ko sadya!

HYENA : Boss wag ka ng magreklamo. Kahit sadya o hindi, nagkalat ka pa din. ‘Akina I.D. niyo.

Napakamot ako sa batok at seryosong gusto ko nang sapakin ang kaharap ko. Walang puso; nakita niya palang nalaglag sa bulsa ko pagdukot ko kanina, e di ibig sabihin nakita niyang nilimusan ko lang si “Tita”. Sana pinalagpas na lang niya. Iniisip ko ng oras na iyon: “Pucha, ang liit nito kumpara sa akin. Isang sapak lang sa ilong nito, malamang babaon ang butas ng ilong nito hanggang tonsils. Nakanampuchang buhay ‘to. Ito ang mga pagkakataong sinasabi ko kay kaibigang ronwaldo na minsan, away talaga ang lumalapit sayo. ‘Yun bang kahit anong iwas mong huwag na ulit makipagbasagan ng ulo, darating pa rin ang panahong hahabulin ka ng away. Tulad nito.

Ang nangyari? Hindi ko napigil ang sarili ko. Hinawakan ko ang kanan kong tainga (ito daw ang sign na mananapak na ako, ayon sa mga matitinong basagulerong barkada ko dati) at bigla kong sinapak ng isang straight ang hyena. Napahandusay siya sa kalsada habang sumasargo ang dugo mula sa pumutok na kilay at ilong.

NAGKAGULO ang mga tao. Nagsitakbuhan palayo ang mga naglalakad malapit sa amin na para bang umutot ako ng nuclear bomb gaya ni greenpinoy. Narinig ko ang silbato ng pulis at sirena ng isang police car. Ilang sandali lamang ay umugong sa paligid ang nakabibinging ingay ng helicopter. Lalong lumiwanag sa paligid ko dahil sa tanglaw ng spotlight galing sa helicopter, na noo’y may mga sundalong bumababa papunta sa puwesto ko gamit ang lubid. May dumating na paladin at crusader tanks, comanche

Siyempre, joke lang ulit ang huling dalawang talata sa taas. Hindi ko sinapak ang hyena. Nakapagtimpi ako dahil naipangako ko sa sarili kong hindi na ako muling mananapak ng tao. Ngumiti na lang ako at pinagtawanan ang katangahan ko.

Ang ending, inisyuhan niya ako ng violation ticket. Tinanong ko kung magkano, ang sabi’y isanlibo daw ang multa at kailangang sa city hall ng Makati ko mismo bayaran. At humabol pa – sa loob lang daw ng tatlong araw.

Tinanggap ko ang ticket at nilisan ang lugar ng krimen. Ngunit binalikan ko muna si “tita” dahil napansin kong natulala siya sa nasaksihan, at naramdaman kong nahiya siya sa akin dahil sa nangyari.

TITA : Iho, pasensiya na ha. Di man lang kita naipagtanggol. Natakot kasi akong paalisin din niya dito, wala naman akong ibang puwedeng puwestuhan para mamalimos…

AKO : ‘Ala ito tita. (Ngumiting may pagyayabang) Pamangkin po ako ni Marcos, siya na po bahala dito.

TITA : (Natulala) P-patay na po si Marcos di ba?

Hindi na ako sumagot. Ngumiti na lang ako ulit at kumindat, kunwa’y may confidence pa din at hindi naapektuhan sa nangyari (Ngunit sa sarili ko’y iniisip ko na kung saan ako pupulot ng sanlibong piso).

MORAL LESSON? HUWAG IPAMUMULSA ANG RESIBO NG KFC.

h1

what went wrong

April 23, 2008

…wala akong maisulat na anuman dito sa artikulong ito.

bakit?

‘yan din ang tanong ko sa sarili ko.

h1

_inaing

April 19, 2008

kung maaari lang sanang lunurin
ng ice blended pure chocolate
ang hinaing ko’y
oorder na ako ng isang dagat nito.

kung kaya lamang sagutin
ng dunhill lights
ang mga katanungan ko’y
susunugin ko na ang baga ko.

kung sana’y napapakalma lamang
ng coffee shop na ito
ang balisang kaisipan ko’y
dito na ako maninirahan…

at sana’y katulad ka na lamang
ng lamig ng yelo,
ng usok ng sigarilyo,
at ng atmospera ng lugar na ito:
na kayang malusaw ng panahon,
kayang maglaho sa hangin,
at kayang talikuran sa pag-alis.

…NGUNIT higit ka pa sa mga ito,
pagkat ang inumin ko’y iiiihi ko lamang
at ang yosi’y ibubuga ko lamang
at ang lugar na ito’y iiwan ko lamang
at bukas, limot ko ng dumaan
ang mga ito sa aking panahon.

subalit ang IKAW ay mananatiling bahagi
ng minsanang kasaysayan ko
na nangarap, umasam
na ikaw sana
ang siyang
kahati.

h1

naniningalang bahagi

April 18, 2008


Ang sumusunod na mga talata ay ang aking unang koloborasyon ng tula kasama si jeckyll ng Red Hot Silly Kamote:

naniningalang bahagi, humahanap ng sagot
nangangarap na may lunas sa kabila ng kirot;
gutom sa euphoriang minsan ng nalasap,
doon sa kahapong may sabik at sarap.

nagaalab na damdaming puno ng nasa,
nanggigigil pasukin ang tangi niyang ligaya;
magkadikit ma’y wag nang paghiwalayin,
labag man sa loob, maglalayo rin.

o katiting na saya lang naman ang dasal,
sa lamang nagugutom, wag namang ipagbawal
na makaisa ang umagang may ngiti,
at kagyat na limutin ang mga dalamhati.

ang tamis ng ligaya’y naiwan sa labi
sinisimot ang pag-asang magtatagpong muli;
karanasang napamahal sa isang birhen
walang pangambang muling maangkin.

datapwat nangarap at lumiyab ang pagnanasa;
ang daan patungo ay tinahak nang kusa.
binaon ang isanlibong kauhawan at pagkasabik
tinunton ang pangarap na muling nang-aakit.

madidinig ba ng isang bingi ang pagsigaw
kung ang tinig ay kinulong sa isandaang tag-araw?
tagtuyot ay sumaklaw sa kakaibang init
niyapos ang tanikalang nagdidiin sa galit.

mababanaag ba ng bulag ang perlas na makinang?
kapain man sa paghahagilap ay siya mismong kandungan
patungo sa bulaklak na dating may pangako
lasapin at damhin, malapit nang masuyo.

at sa muling pagdating ng panahong iyon,
asahan mong ako’y makakapiling mo roon:
sa muling pagkislap ng tatlo mong bituin,
may kinang ang ‘yong bughaw, araw mo’y may ningning…

ngunit ligayang ito’y mararating lamang
kung may pupuksa sa mga gahaman;
mga gahamang metapora ng isang parasito:
nabubuhay sa pagkaing iba ang nagluto.

kaya’t kahit na tulang ito’y isang piping hiling
sa mga nanunungkulang sa iyo’y umaalipin;
pangahas pa rin akong sa kanila’y isisigaw:
anong saya ang naroon sa isang rangya na nakaw?

lumaya ka man sa mga dayuhang sumakop,
sarili mo namang mga hari ang sayo’y sumasalot;
kaya’t kalimutan na lamang ang ligayang nabanggit,
pagkat kahit anong pilit, di na ito makakamit.

isang salop na dusa ngayo’y kapiling ko
saang lupalop hahanapin ang nabigong pag-ibig mo?
hindi na kailan pa magkakadaupang palad
iwaksi man ng tadhana ay hindi pa rin sapat.

at kahit gayunpaman, bayan ko,
pakatandaan mong lagi ka sa isipan at sa puso
pagkat akong aba’y patuloy na magmamahal
kahit hindi na sumikat ang araw sa damdamin kong pagal.


Jeckyll - isang kumpletos rekados na manunulat ng blag: makulit. matalino. malalim. idolo.

h1

two roads

April 16, 2008

two roads
diverging into two…
one traveler,
one moment,
one decision,
one time.

but
I cannot see beyond
from where I stand,
for the steps are
almost always
the SAME
at the beginning,
but treacherous;
for in the middle
might lie
thorns
and wounded trails.

so shall I just stay
and stop my journey,
fearing to risk
stumbling upon a darkness
that might await me?
embracing
the painful truth
that the previous days
are all but futile,
dooming to me NOW
and offering
my lethargic existence?

YET although
the breeze here
are soft and delicate,
much safer than
the risks ahead,
I lifted my feet
and chose a path
among these diverging roads,

…aware
that the journey ahead
is for my legacy,
for love…

h1

the quick brown fox jumps over the lazy dog

April 15, 2008


Kagaya ng email teaser/invite na pinadala ko para sa Anawangin Trip nitong April 12-13, walang kinalaman ang fox at dog sa post na ito. Talagang mahina lang ako sa pagiisip ng malupit na title.

Anyway, nakauwi kami ng buhay at kumpleto mula sa overnight camping trip sa Anawangin, Zambales kasama ang mga seksi at matipunong mga opismeyts ko (current at former – wehehehe) , si greenpinoy, chroneicon, gasolinedude at iba pang mga kaibigan.


At dahil kagabi pa ako hindi makapagupload ng pictures dito, ibahagi ko muna ang mga mga makukulit na pangyayaring naganap at mga makabuluhang obserbasyon ko :

 Sa bus (nahiwalay ng upuan si chroneicon sa amin at maya-maya’y nagtext sa akin) : “Pota pare hindi ako makatulog. Ung katabi ko, anghaba at pagkarami-raming buhok sa tenga! Anak ng kuneho may dandruff pa sa ears! Nawala ang antok ko sa nakita ko!!!”

Sa bus pa din: May itinatagong kapangyarihan ang katabi kong itatago ko na lang sa pangalang “mragmak” – NAPAPALAMBOT niya ang bintanang salamin ng bus dahil hindi nya naramdaman ang ilang ulit na paghampas ng ulo nya dito habang siya’y malalim na natutulog.

Isang certified wrestler at gymnast si gasolinedude – magaling siyang magpagulong-gulong sa buhangin at kaya niyang manatiling gwapo kahit “sinasadyang napapatid” sa mga lubid na bakod ng camp area. Marami din akong natutunan kay gasolinedude – gaya ng ang bagong spelling pala ng inggles ng “ANO” at “BAKIT” ay pareho na palang “W-H-Y”.

Malaki ang katipiran sa isla – dahil walang signal ang kahit anong network sa nabanggit na lugar, dito ko naappreciate na pwedeng gawing flashlight at pangamot ng likod ang cellphone ko na ginamit ko din bilang game & watch.

Fashionable at malakas pala sa tsiks ang manipis na shorts na may mahabang punit sa puwet at ipinapakita ang orange na brief – iyan naman ang natutunan ko sa kasama kong itatago ko sa pangalang “bab“.
Mutant ang isang kasamahan kong itatago ko sa pangalang “ateya” – kaya niyang mabuhay at umakyat ng bundok kahit tictac mint candy lamang ang kaniyang kinakain.

Puwedeng maging pinakamalusog na boldstar ng siglo si greenpinoy. No further explanation needed, tingnan na lang ang patunay sa ibaba:

Mabilis malasing kung may kausap kang maganda at seksing tsiks na itatago ko sa pangalang “laleyn na kaibigan ni ateya” – sandali lamang ay senglot agad ang dati ko nang kasama sa bundok na itatago ko naman sa pangalang “tsino” na noo’y halos hindi tablan ng alkohol kahit butane na ang ginagawang chaser.

Mas mahusay sa pandaraya este sa charade ang mga lalaki kaysa sa babae. Akalain mo yun, nagjumping jacks ang mga babae sa highway, facing the commuters nang matalo sila sa charade habang naghihintay ng bus pabalik ng Maynila.

Nahanap ko ang “ulo ng puso” na pinapahanap sa akin doon ni kaibigang “ody“, at naririto sya:

Pero ito ang pinakapeborit kong picture sa Anawangin. Gumising ka Greenpinoy!!!

..salamat sa masasayang kulitan moments!!! hanggang sa uulitin!

h1

TANGA KASI AKO KAYA AKO NATALO SA NBA 2K8

April 10, 2008

kalahating joke at kalahating totoo ang title ng post kong ito.

joke dahil hindi ako ang natalo.

totoo dahil totoong may natalo, at iyan ang title ng post sa blog nya ngayon hehehe…

there’s a boy in every man, as they say. at isa diyan ang paglalaro ko ng PS2.

at dahil mahilig din diyan ang isa sa mga bespren ko at fellow blogger na hindi ko papangalanan, nagpustahan kami na maglaban in a best of 5 game. ang matatalo sa serye ay magbabayad ng pustang P300.00 at ang malupit: ipopost ang kahihiyan sa blog gamit ang titulo ng blog na ito.

siyempre, ang team ko Cavaliers (go Lebron!!!).
at siya naman, dahil kamukha daw nya si Kareem Rush (tingnan ang larawan sa baba), Pacers ang pinili nyang team.

…ang resulta? ayun, tingnan ang blog na ito para malaman kung sino ang natalo hehehe… ANGNASWEEPATUMUWINGLUHAANGBLOGGER

h1

ayong, ayong, yong yong…

April 9, 2008

pag sumikat ang araw,
sisikat din tayo.

sabi ko naman sayo,
lagi akong nandito
kahit kailan kaibigan mo ako,
nakatatak na yan sa utak ko.

ngayon na lumalakas na ang ulan,
tandaan mong magkaibigan pa rin tayo.

…sumilong ka lang sa aking payong,
sumilong ka lang sa aking payong…

ayong, ayong,
yong yong yong yong…

- umbrella by Rihanna (tagalog version)

salamat kay makulit na Odi sa nakakatumbling na text na to. sige, tugtugin natin ito sa susunod na jamming session natin!!

for full version of the real Umbrella by Rihanna, click here

for full version of the tagalized Umbrella by chroneicon, click here

h1

lethalverses and a spider

April 8, 2008

It’s been a year since my last attempt at charcoal drawing (mind my choice of not using “painting” because they definitely won’t qualify as such) – except for some sporadic moments when I’ll just scribble and sketch, most often with a ballpoint pen to kill boredom away.

And I never thought I’ll be inspired to draw again, until early last night when Hanae Bagabaldo, one of my prettier officemates, brought her artist’s book containing clippings of her drawings.

I swear to all pitumputpitongputingtupa – I haven’t met a woman who draws like her. Patience evidently characterizes her works: mundane details are present, and need I mention that she creates backdrops with stunning effects?

To cut the story short, I was inspired to draw again. And this time, I am commissioned to do a spidey – not the eight-legged insect I dreaded but that “parker boy“.

BEFORE:

AFTER:

okay, maghuhugas muna ako ng kamay. Sana lang matanggal ang mga lead na sumingit sa kuko ko hehehe…

…thanks to Michael Turner of Marvel Comics for his Wizard #179 cover art (opo, ginaya ko lang ito dun)